Loading...

Breaking News

“FPJ’s Ang Probinsyano: Isang Pamilya Tayo” biyaheng MidEast para pasalamatan ang mga kabayan.

Matapos ang matagumpay na kick off ng “Ang Probinsyano: Isang Pamilya Tayo” nitong linggo, dadalhin naman ng ABS-CBN at ng The Filipino Channel (TFC) ang isa sa mga longest-running at award-winning teleseryes, overseas sa kauna-unahang pagkakataon sa December 2 sa Al Khobar, KSA at sa December 3 sa Dubai, UAE upang personal na ipaabot ang pasasalamat ng cast.

Bilang bahagi ng pasasalamat ng “Ang Probinsyano” sa isang taon na panonood ng mga Filipino sa buong mundo at isa ring pasakalye sa 20th anniversary celebration ng ABS-CBN TFC sa Middle East, magtatanghal ang pinakasinusubaybayang programa sa loob at labas ng Pilipinas ang performances ng piling cast sa pangunguna ng Primetime King na si Coco Martin sa Middle East leg ng pasasalamat concert.


Unang makakasama sina Coco Martin, sidekick na si Pepe Herrera at “The Voice of the Philippines Season 2” semi-finalist Daryl Ong sa pinakaaabangang Filipino Community Day, Tourism and Trade Exhibit ng Philippine – Saudi Arabia Hiligaynon, Incorporated or Social Assistance to Homesick Ilonggos (PINAS-SAHI) sa pakikipagtulungan ng TFC, sa Al Shola Tourist Village – Aziziyah, Al Khobar, KSA.

Simula pa noong 2005, katuwang na ng TFC ang PINAS-SAHI sa paglunsad ng TFC Hour sa Filipino Community Day, Tourism and Trade Exhibit. Ito ay bilang bahagi ng obhektibo ng PINAS-SAHI na pagsama-samahin ang mga Filipino sa Western Region bilang bahagi ng misyon nitong “Tradisyon Naton, Manggad Sang Hiligaynon.” Ang pagbabahagi ng pasasalamat ng “Ang Probinsyano” ngayong taon, ay patunay lamang sa tuluy-tuloy na samahan ng TFC at PINAS-SAHI na itinatag sa parehong taon.

Susunod na magpapasaya naman sina Martin, Herrera, at Ong, kasama sina Yassi Pressman, child sensation na si Xymon Ezekiel “Onyok” Pineda, sa Al Nasr Leisureland sa Dubai.

Ang “Ang Probinsyano: Isang Pamilya Tayo” ay magaganap sa December 2 sa Al Shola Tourist Village – Aziziyah, Al-Khobar, KSA.

Ang tickets ay nasa SAR35 (kasama ang ilang resort amenities). Magaganap din ito sa Al Nasr Leisureland sa Dubai sa December 3. Ang tickets ay nasa AED25. Para sa ticket inquiries, makipag-chat sa amin sa Facebook (facebook.com/TFCMiddleEast) o bisitahin ang eme.kapamilya.com Para sa booth at sponsorship inquiries, tawagan ang +971 55 983 6205 at +97155 2427626.


ABS-CBN Middle East FZ LLC

Established in 2002, ABS-CBN Middle East FZ LLC distributes widely followed and award-winning content from the homeland via satellite and cable (through an exclusive partnership with OSN); and internet (via www.tfc.tv).

Through its flagship service TFC, ABS-CBN Middle East FZ LLC provides exclusive content and relevant news for overseas Filipinos in the Middle East, with the support of its dedicated news bureau. Through its specialty channels, it provides a wide selection of alternative content: ABS-CBN News Channel (ANC) which brings news 24 hours a day, Cinema One Global which features movie hits and drama marathon, ABS-CBN Sports + Action highlighting the biggest sporting events and exciting male-oriented adventures; and Cinemo channel catering to the male audience through its classic Filipino action and comedy films and icons among other offerings, featuring well-loved and timeless TV shows close to the hearts of Filipinos.

With a corporate office in UAE, ABS-CBN Middle East FZ LLC also provides value-added services such as theatrical screenings and special events, showcasing the Filipino culture and skill throughout the whole region. For more information, visit www.emea.kapamilya.com, facebook.com/TFCMiddleEast, instagram.com.KapamilyaTFC and twitter.com/Kapamilya TFC or call 00 9714 390 2180.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments