Loading...

Breaking News

Former GMA News Correspondent 'Sherrie Ann Torres' joins ABS-CBN News.

Inanunsyo noong Enero ng dating GMA-7 reporter na si Sherrie Ann Torres ang pag-alis nya sa GMA News and Public Affairs.

Mahigit isang dekada din naging bahagi si Sherrie Ann sa Kapuso Network at sa mga hindi nakakaalam naging correspondent din siya noon sa ABC5 na ngayon ay TV5 na.


Nitong Oktubre 4 lang sa programang TV Patrol maraming kapamilya viewers ang nasorpresa sa bagong reporter na nasilayan nila sa nasabing programa. Hindi man pamilyar sa viewers ang kanyang mukha pero isa pala siyang dating reporter nang GMA News.

After 9 months balik sa pagbabalita si Sherrie Ann Torres at this time isa na siyang "Kapamilya" dahil bahagi na siya nang ABS-CBN News and Current Affairs.




Pero marami ang nagtatanong kung ano nga ba ang naging rason ng pag-alis nya sa GMA News kapansin-pansin din na hindi lang mga artista ang naglalayasan sa nasabing istasyon pati rin mga reporter.

Totoo kaya ang tsika at usap-usapan sa social media na mababa magpa-sahod ang GMA Network sa mga empleyado nila? True ba ito Atty.Felipe Gozon?

Nitong Agosto lang ay nilayasan din ni Ruth Cabal ang naturang network para maging bahagi ng CNN Philippines

Ipinamalas din ni Sherrie Ann Torres ang husay nya sa pagbabalita, siya kaya ang pamalit kay Atom Araullo na nagbitiw kamakailan lang na maging reporter sa ABS-CBN News, panoorin ang kanyang naging ulat sa TV Patrol.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments