Loading...

Breaking News

Kapamilya Aktor Matt Evans ikinasal na!

Matapos kasangkutan ni Matt Evans ang animo'y pananakit niya sa kanyang dating kalive-in partner na si Johnelline Hickins nito lamang October 2012, ngayon mistulang naabut na muli ni Matt Evans ang kaligayahan matapos niyang ipost sa kanyang photo sharing Instagram page ang isang larawan na hinihinalang kamay niya (Matt Evans) at ng kanyang girlfriend na si Katrina Fariñas na may parehong suot na wedding rings. At ang caption is "Just married". Tila isa na nga pagkukumpirma ang naturang larawan na naipost nga ng Aktor.

Matt Evans and Katrina Fariñas' hands wearing their wedding rings "Just married. :)" as shared by the actor on Instagram October 3,2013.

Ilang sandali lang, nang maipost ni Matt ang nasabing naturang larawan ay agad namang sumunod ang isa pang larawan na mula rin mismo sa account niya ay ang isang larawan nila ni Fariñas. Isang newly wed na couple ang tilang masayang-masaya sa mga kaganapan sa kanilang wedding ceremony na nilahukan lamang ng mga pamilya at kaibigan ng dalawa. Isang pribadong kasal ang naganap na pawang parehong kagustuhan ng dalawa. Ngunit sa nasabing pangalawang larawan ay hayagang ipinakikilala ng Aktor ang kanyang asawa. Sapagkat ayun sa kanyang larawan na naipost ang caption ay "My Wife" ito nga ay si Katrina Fariñas.


Ngunit ang mga nasabing larawan ay sinundan pa ng ilan pang larawan nina Matt at Katrina kasama ang kanilang pamilya at isa pang sweet photo mula sa newly wed couple.



Mula sa Kakulay Entertainment Blog: "BEST WISHES and CONGRATULATIONS!"






1 comment:

  1. A beautiful change of wind among stories of actors/actresses from P.I. Showbiz. Congratulations for one happy story...Wish you the best ...'' In sickness & in health, Till death do us part"

    ReplyDelete