Walang duda Melai Cantiveros, Karla Estrada at Jolina Magdangal patuloy ang pagre-reyna tuwing umaga!
Out na si Kris Aquino sa morning slot at Marian Rivera dahil ang kanilang programa na KrisTV at Yan Ang Morning ay nagpaalam na.
Noong Abril 15 nagtapos ang KrisTV samantala nitong Agosto 12 lang na kung saan regalo ng GMA na wakasan na ang programang Yan Ang Morning sa mismong kaarawan ni Marian.
Walang duda patuloy ang pagrereyna nila Melai Cantiveros, Karla Estrada at Jolina Magdangal sa umaga dahil sa kanilang morning show na Magandang Buhay na patok sa panlasa ng mga pinoy.
Kakaibang morning show nga ang dala ng Magandang Buhay dahil mapa sikat man na artista o hindi ay guest sa naturang programa.
May ilang pinoy viewers ang ikinumapara ang dalawang kapamilya shows sey nila puro daw sikat ang guest sa KrisTV at minsan paulit-ulit na lang ito.
Good vibes naman ang dala ng tatlong trio host sa Magandang Buhay dahil pinagsama sina Jolina, Karla at Melai na swak na swak sa madlang pipol.
Apat na buwan ding patuloy na umaariba sa ratings ang Magandang Buhay dahil bukod sa mataas na ratings nitong nakukuha ay panalo din sa ad loads.
Marami din ang nagsasabi na magtatagal ang morning show na Magandang Buhay dahil sa daming ganap dito na patuloy na inaabangan.
Totoo kaya may bagong nilulutong morning show ang Kapuso Network at ang magiging host nito ay isang sikat na artista?
Totoo kaya may bagong nilulutong morning show ang Kapuso Network at ang magiging host nito ay isang sikat na artista?
For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE Kakulay Entertainment Blog on Facebook and Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com
Original Article from Kakulay Entertainment Blog
Original Article from Kakulay Entertainment Blog
No comments