Loading...

Breaking News

Show ni Kristine Hermosa na Hay, Bahay! sa Kapuso Network hindi ramdam!

Mahigit isang buwan na ang nakalipas simula umere ang Hay, Bahay! noong Hunyo 19 pero bakit hindi man lang ito ramdam at pinag-uusapan sa social media.

Kabilang ang dating Star Magic talent na si Kristine Hermosa sa cast ng Hay, Bahay! kasama ang asawang si Oyo Boy Sotto, Aiai delas Alas at Vic Sotto.

Hindi ba't isa na siyang kapuso pero bakit hindi man lang ito maramdaman sa nilipatang network at ang tanong ng ilang netizens bakit wala man lang ingay ang kanyang show.



Ito na nga ba ang hudyat na laos na si Kristine Hermosa?

Luhaan din sa ratings ang kanyang show na Hay, Bahay! ayon sa latest tv ratings mula sa AGB Nielsen nakapagtala ng 19.1% na ratings ang Hay, Bahay! noong Hulyo 31 laban sa 23.3% ng The Voice Kids Philippines.

Sa datos naman mula sa Kantar Media noong Hulyo 31 nakakuha ng 17.4% na ratings ang Hay, Bahay! laban sa katapat nito na The Voice Kids Philippines na nakapagtala ng 38.4% sa nationwide tv ratings.

Noong linggo ginanap sa ASAP ang 24th Anniversary ng Star Magic at dahil hindi na siya Star Magic talent hindi nasilayan si Kristine Hermosa sa nasabing pagtitipon.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments