Loading...

Breaking News

Goodbye McRis, tambalang McLisse bibida sa isang kapamilya teleserye!

Tiyak marami ang malulungkot na McRis fans dahil may bago ng loveteam ang Hashtags member na si McCoy de Leon.

Sa pagpasok ni Nikko at McCoy sa bahay ni kuya hindi sinasadya mabuo ang tambalang McLisse na todo push ng kanilang mga kasamahang housemates sa PBB house Vietnam.

Mukhang ang We Will Survive na ang una at huling pagsasamahan ng McRis loveteam dahil ayon sa nakuha naming impormasyon ipupush ng Kapamilya Network ang tambalang McLisse na patuloy kinakikiligan sa social media.

Goodbye Maris Racal at Hello Elisse Joson dahil siya na ang bagong makakapareha ni McCoy de Leon sa proyektong inihain sa kanila ng ABS-CBN.


Pinaplantsa na daw ang pagsasamahang teleserye ng McLisse na sila mismo ang bibida pero tikom at hindi pa sila pwedeng magbigay ng detalye sa kanilang proyektong pagbibidahan.

Pero ang balita namin ay isasahog mona daw sila sa sikat na loveteam pero hindi namin matukoy kung anong teleserye ito. May balita din kaming nakalap na maggi-guest sila sa Ang Probinsyano totoo ba ito sir Deo Endrinal?

Patuloy na lumalakas ang fanbase ng McLisse kumpara sa McRis ano pa't ipinasok ulit sila sa bahay ni kuya. Mukhang kinakailangan mo nang magpabango sa mga netizens itong si Elisse Joson dahil sa isyu isiniwalat ni Jerome Ponce ng pumasok ito sa big brother house, naging nega kasi sa mata ng netizens si Elisse.

Sa ngayong ay mapapanood gabi-gabi ang McLisse sa PBB Lucy Season 7 Teen Edition at sana ay matuloy nga ang proyektong pagsasamahan nila Elisse at McCoy at wala sanang magiging aberya

Mukhang hindi naman pababayaan ng Star Magic si Maris Racal dahil napakahusay naman nitong umarte at super ganda ng boses im sure makakahanap siya ng bagong ka-loveteam.

Samantala sa interview ng ABS-CBNnews nagpahayag at nagkomento din si McCoy sa kanyang mga taga suporta partikular ang McRis at McLisse.

"Masaya na malungkot kasi may mga negative na comments. May away-away," 

"Masaya ako na mas marami ang nag-support sa'min. Mas maraming nakakakilala sa'min. 'Yung mga nag-aaway-away, nakakasakit din sa damdamin. Masakit makarinig ng pangit na salita galing sa ibang tao na 'di naman namin intensyon na mangyari 'yun." 

 "Ako, bilang isang lalaki, mas iniisip ko sila (girls), kasi lalo na ngayon, meron din akong nanay na nakakaramdam din ng sakit. Wala po tayong magagawa kasi opinyon nila 'yun. Nirerespeto ko po 'yun. Part po 'yun [ng pagiging public figure]." 
"Wine-welcome po namin kayo sa buhay namin," "Nagpapasalamat kami sa suporta niyo kasi grabe hindi namin akalain na ganito kalaki 'yung epekto paglabas po namin... Nandito pa rin kami, ita-try pa rin namin 'yung best namin para magpasaya pa rin sa inyo."

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments