Loading...

Breaking News

Da WHO: Sexy Actress, ipinagkalat ang ‘TIKIMAN’ kay Male Celebrity!

Dedma ang male celebrity na ito tuwing nagkikita sila ng isang sexy actress. Hindi nga gagawin ng male celebrity na batiin niya ang sexy actress dahil sa mga pinagkakalat nito na mga sexcapades nila noong nagkaroon sila ng isang mabilisang relasyon.

Naeskandalo kasi ang kanyang pamilya pati na raw ang kanyang girlfriend ng mga panahon na iyon ay nakipag-break sa kanya dahil sa mga naging rebelasyon ng sexy actress.

Ang rason naman ng sexy actress ay hindi naman siya ang naghabol sa male celebrity. Ito raw ang nangulit sa kanya para magkaroon sila ng relasyon. That time daw ay may dyowang basketball player ang sexy actress. Pero dahil sa pagpapa-cute ni male celebrity sa kanya, iniwan ni sexy actress ang basketball player para lang sa male celebrity.

Nang magkatikiman na nga ang dalawa, hindi nga makuntento ang male celebrity na isang beses lang sila mag-sex sa isang araw. Kailangan makatatlo sila. Kaya ang sexy actress ay inaabala niya sa trabaho nito.

“Minsan bigla na lang mawawala ang babaeng ‘yan. ‘Yun pala kasama niya ang male celebrity,” kuwento ng aming source na naging alalay dati ng sexy actress.

“Nag-break time lang sa taping niya. Nagpaalam na may bilhin lang daw siya sa labas. Hala, isang oras na wala pa siya, eh isasalang na siya. Biglang kumakaripas ng takbo papasok sa dressing room. Magulo ang buhok at burado na ang makeup. Kailangan i-retouch siya kasi sasalang na siya.

“Nalaman namin na nagdyug-dyugan sila ni male celebrity sa sasakyan nito. Nagpakuha pa nga siya ng bagong panty kasi naiwan niya sa sasakyan ng lalake niya ang salawal niya.”

Sa isang location shoot naman daw, isang oras na hinintay makarating ang sexy actress. Eh 30-minutes away lang daw ang location sa hotel na tinutuluyan. Yun pala ay dumating ang male celebrity at nag-quickie sila bago ito sumalang sa set.

“Ako ang nahihiya sa ginagawa ng amo kong ‘yan. Wala naman akong magawa kundi magsinungaling sa production. Alangan sabihin ko na super-dyug pa sila ng dyowa niya kaya male-late ito. Mabuti na lang kapag dumating sa set ang babaeng ‘yan, handa na siya sa gagawin niya. Yun nga lang, parating hulas ang makeup niya,” natatawang chika pa ng source namin.

Nagsimula ang galit ni male celebrity sa sexy actress nang ikinuwento nito sa mga kaibigan ang nagaganap sa kanila. Naitanong ang sex life nito at honest naman na sinagot nito na ang male celebrity ang constant sex partner niya. Naikuwento pa nito kunsaan-saan sila nag-sex.

Doon na nga hindi na tinatawagan ni male celebrity si sexy actress. Dahil nga napahiya raw siya sa kanyang pamilya at sa girlfriend niya.

“Mas nalokah ang amo ko kasi hindi niya alam na may ibang girl pa pala. Iniwan nga niya ang boyfriend niya para sa lalakeng iyon, tapos may iba pala siya. 

“Kaya kesehoda ang sexy actress kung galit sa kanya. Paulit-ulit na kinukuwento niya ang mga sexcapades nila. Pasalamat nga si male celebrity na hindi ginamit ng amo ko ang cellphone niya para kunan ang mga ginagawa nila. Ganu’n niya kamahal ito pero two-timer na, denial king pa.”

Huling nagkita ang male celebrity at sexy actress sa isang showbiz event kunsaan naging host pa silang dalawa. Dedmahan to-the-max ang dalawa.

Malapit naman na kasing ikasal si sexy actress sa non-showbiz bf nito at si male celebrity ay nali-link sa ka-loveteam nito ngayon. Kaya di na sila talaga kailangan mag-usap pa.

Written by: Ruel Mendoza

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments