Da WHO: Female Celebrity suklam na suklam sa tsismosong TV Director!
Isa lang daw ang pakiusap ng female celebrity na ito. Na ayaw niyang makatrabaho ang isang TV director dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi nito sa kanya noon.
Kaya naman kapag may bagong teleserye ang female celebrity, inaalam muna niya kung sino ang direktor. Kapag ang naturang direktor ang siyang nakatoka sa teleserye, nagbe-beg off si female celebrity dahil personal ang galit niya sa director na ito.
Kuwento ng aming source ay masyado raw kasing naging personal ang atake ng direktor sa female celebrity noon. Pati raw ang kinikita nito ay inaalam ng direktor.
“Nagtataka lang si female celebrity kung ano ang problema ng direktor sa kanya? Bakit pati ang talent fee niya per day sa teleserye ay pinakikialamanan nito?
“Doon nainis ang female celebrity dahil hindi raw nagiging professional ang direktor. Mas inabala pa nito ang pagiging chismoso at pakialamero kesa sa mag-concentrate sa kanyang trabaho.”
Sa isang taping daw kasi, nagtataka ang female celebrity kung bakit hindi pa siya tinatawag para makunan ang huling dalawang eksena niya.
Alam naman daw ng production na may cut-off time siya dahil may taping pa siya sa ibang show kinabukasan. Maayos naman daw niyang naipaalam ito at pumayag ang mga bossing sa request niya.
Pero lumagpas na raw sa cut-off time niya ay hindi pa rin siya tinatawag. Kaya pinakiusapan niya ang isang production assistant na itanong kung bakit hindi pa siya kunan ng mga eksena.
Okey lang daw sana sa female celebrity na lumagpas sa cut-off time niya kung nasa Metro Manila lang ang taping nila. Pero nasa malayong location sila at ilang oras ang aabutin bago siya makauwi.
Pagbalik ng P.A., nagsumbong ito sa female celebrity dahil narinig niya na sinabi mismo ng direktor na talagang pinaghihintay niya ang female celebrity. Ginawang dahilan ng direktor ang malaking per taping day na bayad sa female celebrity. Kaya dapat lang daw itong maghintay dahil malaki naman daw ang binabayad dito.
“Doon na nagsimula ang galit ni female celebrity sa direktor. Ano ang pakialam nito sa talent fee niya, eh maayos naman daw siyang nagtatrabaho?
“Hindi raw niya kasalanan na iyon ang bayad sa kanya dahil ang network ang kumuha sa kanya at hindi siya ang nagmakaawa na maging artista nila.
“Kaya after ng teleserye, ‘yun ang request niya. Never na siyang makikipagtrabaho sa chismosong direktor na iyon,” pagtapos pa ng source namin.
Written by: Ruel Mendoza
For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE Kakulay Entertainment Blog on Facebook and Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments