Loading...

Breaking News

Da WHO: Drama Actress na laging late sa taping, inaayawan na ng mga producers!

Iisa lang ang reklamo ng mga talent coordinators sa drama actress na ito. Kung hindi raw ito late dumating sa set, bigla na lang daw itong nagkakaroon ng sakit kapag isang oras na siyang late sa call time nito.

‘Yun daw ang nagiging pattern ng drama actress kapag nale-late o tinatamad itong magtrabaho. Ilang beses na raw nilang pinagsasabihan ang drama actress dahil may mga gumagawa ng report tungkol sa artista ngayon, lalo na ‘yung mga madalas ma-late at hindi dumarating sa set.

Makakaapekto kasi ito sa career niya dahil mahirap na raw ang mabigyan sila ng memo at makita nila ang name ng drama actress sa list ng mga artistang banned muna sa mga guestings.


Wala naman daw silang reklamo sa ugali ng drama actress. Mabait naman daw ito at marunong makisama. Kapag may malaking raket daw ito, nagpapakain pa ito sa production.

Pero ang problema lang nito ay ang pagiging late parati at minsan hindi darating dahil may sakit daw.

“Pinagtatakpan na lang namin ang babaeng ‘yan kasi alam naming kailangan niya ng trabaho parati. May work ang mister niya, pero hindi sapat para sa kanilang pamilya. Mas malaki pa raw ang kinkita niya kapag may teleserye siya.

“Kaso hindi magamot ang pagiging late niya. Hindi bale kung ilang minuto lang ang pagiging late niya. Umaabot ng dalawang oras.

“Gumagawa na lang ako ng excuse para walang makapansin na wala pa siya sa set. Hindi mo rin siya masisisi dahil una niyang inaasikaso ang mga anak niya. Minsan wala raw magbabantay sa mga ito dahil nagpapalit siya parati ng yaya.

“Yun nga lang, hindi mo naman puwedeng gawing excuse iyon kapag nagtanong na ang mga bossing,” tsika pa ng source ko.

Well, kaya wag na tayong magtaka kung bigla na lang mawalan ng work ang drama actress na ito.

Written by: Rose Garcia

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments