Loading...

Breaking News

ABS-CBN’s “Pangako ng Pagbabago” is the most watched SONA coverage in the country beats GMA’s Du30 Unang Sona.

Naganap kahapon ang kauna-unahang State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte na tinutukan at inabangan ng mga Pinoy.

Tinutukan at waging-wagi nationwide ang coverage ng ABS-CBN’s “Pangako ng Pagbabago” na may hashtag na #DU30SONA2016 at nakapagtala ito ng 21.5% na ratings laban sa GMA’s Du30 Unang Sona na nakakuha ng 14.8% na ratings ito ay base sa datos mula sa Kantar Media.


Samantala ang Kapuso Network naman ang tinutukan sa Urban Luzon ayon ito sa datos mula sa AGB Nielsen nakapagtala ng 19.8% na ratings ang GMA’s Du30 Unang Sona na may hashtag na #DU30UNANGSONA.

Nakakuha naman ang ABS-CBN’s “Pangako ng Pagbabago” sa Urban Luzon ng 14.3% na tv ratings at 2.5% naman na ratings ang nakuha ng Unang Sona DDay Plus 25 ng TV5.

Tinutukan din sa social media ang Facebook Live coverage ng ABS-CBN at nakapagtala ito ng mahigit 49K viewers laban sa GMA na umabot lang sa mahigit 17K viewers.

Sa kabuuan ang ABS-CBN ang mas tinutukan sa buong Pilipinas at ang ABS-CBNnews din ang pinagkatiwalaan ng mga pinoy pagdating sa paghahatid ng pinakasariwang balita.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments