Da WHO: Nauna kasi ang yabang Female Personality na biglang bulusok, parang bulalakaw ding nalalaos!
Biglang angat at biglang bulusok. Parang bulalakaw lang pala siya na bigla na lang sumulpot pero agad-agad ding nawala. Ganu’n kung ilarawan ng maraming taga-showbiz ang isang babaeng personalidad.
Binulabog niya ang mundo ng lokal na aliwan nang sumulpot siya mula sa kung saan, ang dami-dami niyang tagahanga, nagkatusak din ang kanyang mga raket kasama na ang pag-eendorso niya ng kung anu-anong produkto.
Pero ang bulalakaw nga ay madaya. Maliwanag pero bigla ring nawawala. Sa isang pikit mo lang ay wala na ‘yun. Parang ang kapalaran din ng female personality na dati’y napakainit pero ngayo’y maligamgam na.
Isang source ang nagkuwento na hindi na pala ini-renew ng mga ahensiya ang kanyang trabaho. Maigsian lang ang pagkuha sa kanya dahil ngayo’y ibang personalidad na ang nag-eendorso ng mga produktong ipinagmamalaki nu’n ng kanyang mga tagasuporta.
Reaksiyon ng source, “Ni hindi nga siya naka-lockout nang one year. Short contract lang. Naisip din siguro ng mga agency na hindi naman siya magtatagal.”
Malaking-malaki ang ibinagsak ng karera ng babaeng personalidad
Komento ng marami ay nauna kasi ang kanyang pagmamaangas. Bait-baitan sa harap ng mga camera pero sa personal ay kabaligtaran ‘yun.
“Akala siguro niya, e, made na siya. Aysus, ni wala pa nga siyang napatutunayan! Novelty lang siya, uso lang, dahil ngayon, e, ramdam na ramdam na ang pagtamlay ng career niya,” komento naman ng isang TV personality.
Sarkastikong komento pa ng isang beking nakatutok na nu’n pa sa pag-uumpisa ng female personality, “Palipas na siya. Namaos na ang mga dating tumitili sa kanya. Napagod na ang mga kamay nila sa pagpalakpak. Wala naman palang itatagal ang babaeng ‘yun!”
Written by: Cristy Fermin
For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE Kakulay Entertainment Blog on Facebook and Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments