Loading...

Breaking News

Da WHO: Album dinoktor lang talaga, Aktor tunog yero ‘pag kumakanta ng live!

Diyos na mahabagin, napanood namin iyong kapirasong video ng performance ng isang male star sa isang malayong probinsya.

Kumakanta siya sa parang isang fiesta at naglakas loob siyang kumanta nang live, kasama ng isang live band. Walang tumamang tono sa kanta doon sa maikling video na nakita namin.


Hindi naman kasi siya singer talaga, at sana hindi na lang siya kumakanta ng live. Hindi nakakatulong iyon sa kanyang popularidad na naglalaho na rin, baka lalong maglaho ang popularidad niya kung ganyan ang maririnig sa kanya.

Walang dudang dinoktor lamang ang kanyang CD kaya maayos ang kanyang kanta. Pangatawanan na niya iyon.

Huwag na siyang kakanta ng live. Iyong mga kanta niya, dinaya rin sa computer. Tama na iyon. Huwag na niyang bukuhin.


Written by: Ed de Leon

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments