Loading...

Breaking News

Xian Lim walang alam na tatapusin na ang teleserye nila ni Kim Chiu na "The Story of Us"

TATLONG linggo na lang itatakbo ng seryeng The Story of Us dahil kailangan ng paghandaan ni Xian Lim ang nalalapit niyang concert sa Hulyo samantalang si Kim Chiu naman ay may The Voice Kids 3 at hindi niya kayang mag-dalawang programa dahil araw-araw ang tapings ng TSOU. 

Ito ang pahayag sa amin ng taga-Dos ng tanungin namin kung bakit biglang nag-anunsyo ang ABS-CBN noong Biyernes na ‘aba-ngan ang huling tatlong linggo ng The Story of US’ bagay na ikinagulat namin dahil parang nag-iinit palang ang kuwento ng karakter nina Tin at Makoy dahil pareho na silang may bagong partner ngayon.

Sunud-sunod din ang tanong sa amin ng aming mga kaibigan na nanonood ng TSOU, “Last 3 weeks na lang pala ang The Story Of Us serye nina Kim at Xian? Bakit? Anyare?”


Walang alam si Xian na ta-tapusin na ang serye nila ni Kim dahil sa nakaraang presscon para sa bago niyang endorsement ay nagsabi pa siya na marami siyang matututunan sa pagpasok ni direk Cathy Garcia Molina sa programa.

Bukod dito ay nag-iinit pa lang ang kuwento nina Xian at Shaina Magdayao na kapapasok din lang sa TSOU.

Sa pagtatanong namin sa taga-Dos kung bakit patapos na ang KimXi serye, “Parang hindi gusto ng tao ang ganu’n kabigat na istorya, gusto light lang, parang Dolce Amore at OTWOL lang,” katwiran sa amin.

Pero paglilinaw ng isa pang nakausap namin sa ABS-CBN, “16 weeks lang talaga (airing) ‘yun, mag-air na kasi ang The Voice kasama si Kim at hindi niya kakayanin dahil araw-araw ang taping ng Story Of Us, plus may concert pa si Xian at magkaka-movie pa sila.”

Written by: Reggee Bonoan

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

2 comments:

  1. congratz KIMXI you're really great ....keep up the good work ! we love u so much....

    ReplyDelete
  2. tnx for this u really giving us the chance to comment ,giving infos' too ..dood luck and more power ...

    ReplyDelete