Loading...

Breaking News

Jaclyn Jose pwede nang tawaging reyna ng GMA; bida na sa sariling serye!

MAITUTURING na ring “reyna” ng GMA 7 ang Cannes Film Festival 2016 best actress na si Jaclyn Jose. Imagine, talagang sunud-sunod ang proyekto niya sa Kapuso network.

Bukod sa kanyang seryeng The Millionaire’s Wife sa Kapuso Afternoon Prime bilang kontrabida at sa mga special guesting niya sa iba pang show ng GMA, binigyan pa siya ng sariling sex comedy weekly show ng network.

Siya ang bibida sa A1 Ko Sa Yo na mapapanood tuwing Huwebes sa GMA Telebabad after Juan Happy Love Story nina Heart Eva-ngelista at Dennis Trillo.


In fairness, naging regular na si Jaclyn sa mga serye ng Siyete bilang kontrabida. Ngunit mas lalo siyang napamahal sa Kapuso viewers nang gumanap siyang nanay ni Janine Gutierrez sa seryeng More Than Words dahil sa kanyang mga hugot lines.

Nasundan pa ito ng nakakaaliw at nakakapraning na role niya sa Marimar bilang kontrabida dahil naman sa kanyang mga matataray na punchlines.

Gagampanan ni Jaclyn ang karakter ni Digna Molina, a tactless and frustrated beauty pageant aspirant who is in search of her perfect beauty queen as she manages A1 Talent Agency. Kasal siya kay Rolly Molina (Gardo Versoza), isang marriage counselor, na problemado lagi sa kanyang asawa kaya laging masungit sa kanyang mga “pasyente.”

Makakasama rin sa A1 Ko Sa Yo sina Solenn Heussaff as Miley, Sef Cadayona as Enzo, Benjamin Alves as Jay, Roi Vinzon as Primo, Ervic Vijandre as Eroll, Denise Barbacena as Kaycee, Gee Canlas as Tintin, at Mara Alberto as Kath. Ito’y sa direksiyon ni Randy Santiago, at mapapanood simula sa June 2 sa GMA Telebabad.

Written by: Ervin Santiago

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments