Loading...

Breaking News

Primetime Queen "Angel Locsin" emosyonal na nagpahayag na hindi na siya gaganap sa muling paglipad ni Darna!

Habang pinaghahandaan ni Primetime Queen Angel Locsin ang pagganap nya bilang Darna  nakaramdam ito ng lower back pain.

Ito ang rason kung bakit hindi na magagampanan ni Angel Locsin ang pagiging Darna at naging emosyonal ito. Sa kanyang interview sa TV Patrol nagpahayag ang aktres na hindi na siya gaganap na Darna.

"Sana maayos na itong likod ko, ako naniniwala ako soon na gagaling din ito" saad ni Angel Locsin

Nagpasalamat din si Angel Locsin sa Kapamilya Network.

Iginiit din nang Kapamilya Network na mas mahalaga ang interes at kaligtasan ni Angel na sumasailalim sa physical theraphy at gamotan.


Tiniyak naman ng Star Cinema sa fans na pwede parin sa regular na trabaho si Angel at malapit na siyang mapanood kasama si Vilma Santos sa bago nilang pelikulang pagsasamahan.

Taos puso din nagpapasalamat ang Kapamilya Network kay Angel sa lahat ng kanyang hirap at sakripisyo sa trabaho.

Kung hindi na si Angel Locsin ang gaganap na "Darna" tanong ng karamihan sino ang bagong gaganap na Darna?

Lumabas ang mga pangalan nila Liza Soberano, Kim Chiu, Anne Curtis at Isabelle Daza na aktres na babagay sa naturang role.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments