Loading...

Breaking News

KathNiel hindi affected sa kasikatan ng AlDub, tinatangkilik pa rin sa Amerika.

Kahit iniintrigang poor second na lang sila sa phenomenal team-up nina Maine Mendoza (Yaya Dub) at Alden Richards, hindi naman nagpapaapekto ang loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Kahit nga may ibang fans ng AlDub (fans kaya sila o nagkukunwari lang?) na nagba-bash sa kanila sa social media at inirereklamo pa nga ni Karla Estrada na “pinutulan” daw ng ulo ang anak niya sa ibang pictures na pino-post, mukhang tahimik lang sina Daniel at Kathryn.


Sa One Kapamilya Go show nga nila sa Oracle Arena sa Oakland, California noong Linggo nang hapon ay talaga namang dinagsa.

Ilang mga kaibigan namin na nanood ng show nina Daniel at Kathryn kasama sina Jodi Sta. Maria, Angelica Panganiban, Ian Veneracion, Charice, Erik Santos at iba pa, ang nagsabing sobrang puno ang Oracle Arena.

Kung ang reaksiyon daw ng fans sa show na ‘yon ang pagbabasehan, mukhang hindi naman daw affected ang kasikatan sa Amerika nina Daniel at Kathryn ng kasikatan ng AlDub.

Anyway, babalik din daw kaagad ng ‘Pinas sina Daniel at Kathryn after ng show nila sa Amerika dahil kailangan nilang mag-resume ng taping ng Pangako Sa ‘Yo.


Written by: Jun Lalin

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

2 comments:

  1. May kathniel pa ba? Puro hype na lang mga yan e. JaDine or Lizquen na ngayon.

    ReplyDelete
  2. May picture kaya na konti lang nanood ng SHOW nila sa ORACLE,seguro kung JADINE,may mas nanood cguro.....

    ReplyDelete