Loading...

Breaking News

It's Showtime hosts nagsalita tungkol sa kumpetisyon diumano sa pagitan ng Eat Bulaga at ng kanilang programa.

Naganap kanina ang #ShowtimeAnimversary ng noontime show na It's Showtime at good vibes lang mga host.

Mukhang umiba ang ihip ng hangin dahil tila nagpakumbaba na ang mga host sa kumpetisyon na nagaganap sa pagitan ng Eat Bulaga at ng kanilang programa.

May panawagan si Vice Ganda sa tumitinding awayan sa social media sey nya "Huwag tayo mag away-away lalo na sa social media".

Kwento ni Vice sa mga madlang people ang laki ng blessing ng Its Showtime hindi lang para sa kanya kundi sainyong lahat lalo na yung mga nakatutok parin sa naturang programa.


Nagsalita na rin si Vice Ganda tungkol sa kumpetisyon diumano sa pagitan ng Eat Bulaga at ng kanilang programa at narito ang kanyang naging pahayag.

"Ang sabi ng boss naming, sino ba ang nagsabi sa inyo na tatalunin niyo ang Eat Bulaga? Di naman namin kayo lalagay sa noontime para talunin ang Eat Bulaga. Sasamahan niyo lang sila sa pagpapasaya. " -Vice Ganda

Tinuldukan na din ni Vice ang isyung magpapaalam na ang Its Showtime sa ere narito ang kanyang naging pahayag.

 "Hangga't may isang taong umaasa para sa ngiti mo, hindi po kami magtatapos."

Dagdag pa ni Vice Ganda "Paano na lang ho 'yung mga taong pumunta sa studio? Paano naman ho 'yung iilan naming fans na nag-aabang ho sa amin?"

Hirit ni Vice Vice Ganda sa kalaban na programa "Hindi naman namin kayang talunin ang Eat Bulaga diba, kahit pagsamasamahin namin ang powers namin, kahit magtitiwarik ako dito hindi namin kayang talunin ang Eat Bulaga"

"Hindi namin intensyon makipagtalo at makipag-away, simula pa lang po TALO na kami itinataas na po namin ang bandera"

Sa huli nagpapasalamat sila sa mga walang sawang sumusuporta sa kanilang programa.

"Maraming, maraming salamat dahil hinahayaan ninyo kami hanggang ngayon na patuluyin sa mga bahay ninyo at sabay-sabay tayong nagtatawanan, sabay-sabay nating dinadama ang good vibes mula Lunes hanggang Sabado sa 'Showtime'. Maraming salamat po,"

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

2 comments:

  1. Good words Vice. You have your own league of fans who are still so loyal to IS.It's just the live and let live kind of thing. Hats off to you Vice and team Showtime.

    ReplyDelete
  2. that's why i really love it's showtime... the hosts, the staff, the management... they have humility, and it is overwhelming... God Bless you all!... you made us feel that we are a big happy family at heart! keep it up and always make people happy no matter what! :)

    ReplyDelete