Loading...

Breaking News

Hit teleserye On the Wings of Love extended hanggang 2016, My Faithful Husband magpapaalam na!

Waging-wagi sa tv ratings ang hit teleserye On the Wings of Love  na pinagbibidahan nila James Reid at Nadine Lustre mapa AGB Nielsen man o Kantar Media laban sa katapat nito na My Faithful Husband.

Nagsimula ang On the Wings of Love noong Agosto 10 at dahil sa hit ang kauna-unahang teleserye ng JaDine extended ito hanggang Pebrero 2016. Sa makatuwid aabot ito ng anim na buwan sa ere katumbas ng dalawang season.
Agosto 10 din nagsimula ang primetime series na My Faithful Husband na pinagbibidahan nila Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Aminado sila na talo sila nang On the Wings of Love sa tv ratings at mas pinag-uusapan ito sa social media kumpra sa kanilang programa.

Nang tanungin mismo ang direktor ng My Faithful Husband na si Bb.Joyce Bernal sinabi nito na  “Oo, talo kami  sa OTWOL kaya magbababu na kami, ha-ha-ha-ha.”

Dagdag pa ni Bb.Joyce Bernal sa kanyang interview "Oo nga, kung hindi na nagrirate huwag nang i-extend dahil masasayang lang ang effort".

Sa datos mula sa AGB Nielsen noong Oktubre 21 nakapagtala ng 17.7% ang serye On the Wings of Love laban sa 16.3% nang My Faithful Husband.

Mula naman sa datos nang Kantar Media noong Oktubre 21 nakakuha ng 20.4% na ratings ang serye On the Wings of Love laban sa 11.9% nang May Faithful Husband.

Hindi pa sigurado kung hanggang sa Desyembre na lang ang My Faithful Husband baka mapaaga pa ito dahil sa Nobyembre magsisimula ang Little Nanay ni Nora Aunor.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments