Loading...

Breaking News

GMA Primetime Series na "Beautiful Strangers" magtatapos na ngayong Nobyembre.

Mukhang naalarma ang Kapuso Network sa kanilang GMA Telebabad dahil luhaan ito sa ratings mapa AGB Nielsen man o Kantar Media, patuloy kasing nangunguna ang ABS-CBN Primetime Bida.

Kaya nga ba kumuha na sila ng mga bigating stars gaya nila Nora Aunor at Gabby Concepcion na magkakaroon ng primetime series this november sa Telebabad.


Sa nakuha naming impormasyon ngayong Nobyembre na nakatakdang magtapos ang primetime drama series na Beautiful Strangers na pinagbibidahan nila Lovi Poe at Heart Evangelista.

Hindi din napapag-usapan sa social media ang Beautiful Strangers dahil gabi-gabi trending ang katapat nito na Pangako Sa'yo na pinagbibidahan ng KathNiel ang no.1 loveteam ngayon sa bansa.

Nagsimula ang seryeng Beautiful Strangers noong Agosto 10 at nakatakda itong magtapos ngayong Nobyembre sa makatuwid umabot lang ito ng tatlong buwan sa ere katumbas ng isang season.

Kung ikukumapara sa mga teleserye ng Kapamilya kadalasan umaabot ng 6-10months ang mga serye nito.

Sa datos mula sa AGB Nielsen nakapagtala ng 19.4% na ratings ang Beautiful Strangers noong Oktubre 27 laban sa 21.1% ng Pangako Sa'yo. Ang AGB Nielsen ang ginamit namin datos dahil ito ang basehan ng Kapuso Network na tv ratings provider.

Ang GMA Network ang nangunguna sa Mega Manila pero patuloy na namamayagpag ang ABS-CBN Primetime Bida kumpara sa GMA Telebabad.


 For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments