Loading...

Breaking News

Pastillas Girl ipantatapat ng ABS-CBN laban kay Yaya Dub nang GMA.

Nangyari na nga ang bagong paandar ng Its Showtime nang ABS-CBN dahil may ipantatapat na rin ang nasabing noontime show kay Yaya Dub sa AlDub Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ilang buwan na din namamalimos ng kakapiranggot na ratings ang programang Its Showtime dahil sa hindi mapigilan na pagsikat ng AlDub loveteam.

Tila lantaran na nga ang panggagaya ng Its Showtime sa katapat na programa para may ipantapat lang sa nangunguna noontime show ngayon sa bansa ang Eat Bulaga.

Noong sabado lang sinimulan ang bagong ganap sa Its Showtime at pumatok naman ito sa panlasa ng pinoy viewers dahil sa kakaibang dala ni Pastillas Girl.


Bukod sa pakulo ng Eat Bulaga na Kalyeserye ng AlDub na talaga naman pinag-uusapan sa social media mukhang may laban din ang bagong katapat dahil pinag-uusapan din ito sa social media.

Hindi sa bahay ni kuya ang matinding big yanig dahil ang totoo ay mas niyanig ang nagaganap na tapatan sa dalawang noontime show.

Kung kilala na si Maine Mendoza aka Yaya Dub all over the world unti-unti ng sumisikat si Angelica Jane Yap aka Pastillas Girl dahil sa mas pinagtutuonan ito ng importansya ng Its Showtime.

Halos lamunin na ang oras ng Its Showtime dahil sa segment na Advice Ganda para lang pagtuonan si Pastillas Girl na naghahanap ng kanyang forever at kapansin-pansin din na may ilang segment ang nawala sa naturang programa kahit itanong nyo pa kay Ryan Rems.

Mainit din ang pagtanggap ng kapamilya viewers kay Pastillas Girl at hudyat na ba ito na mauungusan na si Yaya Dub pagdating sa kasikatan dahil mas magaling magpasikat ang Kapamilya Network.

Nag-umpisa na din magbangayan ang mga fans sa social media para suportahan ang kanilang mga idolo, may ilan din ang naninira at nagbabash.

Hindi pa natatapos dito ang inumpisahan na laban ng Its Showtime laban sa Eat Bulaga dahil malalaman natin sa huli kung sino mananatiling winner sa puso ng mga pinoy.

How true na naalarma ang Eat Bulaga sa paggaya sa kanila ng Its Showtime.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

1 comment:

  1. hindi naman nanggaya ang showtime, kasi noon pa ang match making nila sa mga hosts, si Anne at si vhong, si vice at si Karylle, si Billy at si Coleen, eh ano ang ginaya nila dyan, itong Pastillas Girl type, i iba naman, parang dating game lang, hindi naman gaya sa aldub ng GMA, magkaiba eh

    ReplyDelete