Loading...

Breaking News

Edgar Mortiz inisnab ni Teen Queen Kathryn Bernardo sa Star Magic Ball?

Mukhang nasaktan ng husto ang direktor ng Goin Bulilit na si Edgar Mortiz dahil inisnab diumano ito ni Kathryn Bernardo sa katatapos lang na Star Magic Ball 2015.

Kontrobersyal din ang naging post nito kamakailan lang dahil isang Star Magic talent ang hindi manlang bumati sa kanya bilang respeto dahil naging bahagi ito noon ng gag show na Goin' Bulilit.

Sa kanyang naging post sa kanyang facebook account kwento ni Direk Edgar first time nya umattend ng Star Magic Ball at naging masaya naman diumano ito.

Ikinatuwa nya dahil muli nyang nakita ang ilang bulilit kids at ilan sa kanila ay mga sikat na. Dagdag pa nya lahat ng bulilit kids ay lumapit at bumeso sa kanya maliban sa isa.


Pero tila hindi ikinatuwa ng naturang direktor ang pang-iisnab sa kanya dahil ito lang daw ang hindi lumapit sa kanya.

Hirit nya sa kanyang naging post "Pagsumikat ako di rin kita lalapitan"

Kinumpirma ng kanyang anak na si Badji Mortiz na si Teen Queen Kathryn Bernardo ang tinutukoy ng kanyang ama.

Ayon sa tweet ni Badji nag-usap na sina Direk Edgar Mortiz at Kathryn Bernardo at humingi na ng "SORRY" ang batang aktres sa nasabing insidente.


Sana matuto tayong lumingon sa ating pinanggalingan bilang pasasalamat sa tinatamasa nating tagumpay mapa ordinaryong tao man ito o celebrities.

Sobrang liit nga ba ni Direk Edgar Mortiz para hindi ito makita? Totoo nga bang inisnab ito ni Kathryn Bernardo sa Star Magic Ball?

Sa pag-uusap nila ni Direk Edgar ano nga ba ang naging rason ni Kathryn Bernardo dito?

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

2 comments:

  1. Wow! Grabe namn kau maka judge kay Kath ni minsan di lumaki yan ulo nyo kahit sikat sya sabi nyo she rains grounded..
    Nabasa nyo nmn ang post ni Direk na it was jz a joke at nag usap na sila at ok na!! Di ganun klaseng tao si Kath at maraming maka prove nyan! Minsan nmn sana bago magsulat alamin din natin ang lahat di one sided kaya di nyo maiwasan na magbreact ang mga fans kasi din sa mga sinusulat nyo!!! Di nga nagsasalita si Kath kahit anong sira sa knya ksi she knows herswlf more than anybody else kaya kami nlng nagtatanggol sa knya ksi ang iba grabe makatira.. Di ganyan tatagal si Kath sa industriyang ito kung may attitude problem sya..even anak nga ni direk nagsabi na sinalubong sila ng KN at binati.. Heller! U can't pull down a good person like Kath..

    ReplyDelete
  2. Tapos na nga di ba ok na!!! Pag si Kath o DJ ang may ginawa nag pipyestahan lahat ng media na di nmn ganun kagrabe pero ung iba dyan na mas malala ginawa wala lang!! So it does shows na sikat tlaga nmn ang KATHNIEL!!! Ksi lahat big issue!! Stay solid Kathniel and Kathniels walang iwanan! From 2011 till now nakasubaybay kami kay Kath khit nasa GB pa sya wala kming narinig na lumaki ulo nya lalo n ngaun humble pa rin ngaun na nag wave lang di nakahalik sa direktor nya dati malaki n ang ulo?? May nakisawsaw pa para sumikat siguro!!! Deadmabels nlng Kath and we have ur back!! Alam nmn nmin na u'll do ur part para maaus at agad agad nmn ginawa mo!! Ang mga taong gusto kang sirain sorry nlng di sila mag succeed kasi u are a good person with a good heart.

    ReplyDelete