Loading...

Breaking News

Afternoon Drama Series na "Healing Hearts" magtatapos na sa Setyembre 4.

Huling dalawang linggo na lang ng afternoon drama series na Healing Hearts na pinagbibidahan nila Ken Chan, Krystal Reyes, Joyce Ching at Kristoffer Martin na napapanood sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Buena Familia.

Wagi sa ratings ang serye Healing Hearts mapa AGB man o Kantar laban sa katapat nito na Pinoy Big Brother 737 Gold at ABS-CBN News and Current Affairs program.

Sa latest na datos mula sa Kantar Media noong Agosto 14 nakapagtala ng 12.5% na ratings ang Healing Hearts laban sa Pinoy Big Brother 737 Gold na nakakuha ng 8.8% at 8.7% naman ang nakuha ng Tapatan ni Tunying.

Nagsimula ang Healing Hearts noong May 11 at nakatakda itong magtapos sa Setyembre 4 sa makatuwid umabot ito ng apat na buwan (4 months) sa ere.

Abangan ang maiinit na mga eksena sa huling dalawang linggo ng Healing Hearts sa nangunguna at hindi mapantayang GMA Afternoon Prime ang Destiny Rose ang ipapalit sa seryeng ito.


.For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

1 comment: