Loading...

Breaking News

SCQ Questor Roxanne Guinoo returns to ABS-CBN.

Taong 2011 ng biglang lumamya ang career ni Roxanne Guinoo sa ABS-CBN kaya naman isang taon itong natengga sa kanyang mother network

Tuluyan ng nilayasan ni Roxanne Guinoo ang Kapamilya Network at naging bahagi siya ng mini series sa TV5 na Valiente sa taong 2012.

Pero tila hindi gaano kabongga ang karir nya sa TV5 kaya tinanggap nya ang alok sa Kapuso Network noong Abril 2012 na isang drama series na Home Sweet Home at nasundan ito ng Pyra: Ang Babaeng Apoy taong 2013.

Si Roxanne ay produkto ng sikat na reality artista search na Star Circle Quest at nakapasok siya sa SCQ Fab 5 at simula dito sumiskat na ang aktres.

Sa ngayon may dalawang anak na si Roxanne at naging mahalaga sa kanya ang pamilya kaya sya nawala pansamantala sa showbiz.

Ngayong 2015 magbabalik sa ABS-CBN ang isa sa pinakamahusay na artista sa kanyang henerasyon abangan si Roxanne Guinoo dahil bibida siya sa isang teleserye hindi mo dapat iiwan Walang Iwanan.

Makakasama ni Roxanne sina Louise Abuel, Raikko Mateo, Jhong Hilario sa teleserye hindi mo dapat iiwan Walang Iwanan malapit na sa ABS-CBN Kapamilya Gold.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments