GMA Fans Day, dinumog ng mga Kapuso!
Buhay na buhay ang GMA Fans Day mula kaninang umaga dahil punong-puno ang SM Mall of Asia Arena. Nakisaya at naghiyawan ang mga fans nang magtanghal ang kani-kanilang idolo bilang pasasalamat sa suporta na ibinigay nila sa loob ng 65 years.
Mainit ding tinanggap ng mga taga-suporta ang GMA News pillars na sina Mel Tiangco, Arnold Clavio, Vicky Morales, Howie Severino at Jessica Soho. Humataw sa sayawan ang The Half Sisters at Healing Hearts casts nang binuksan nila ang show. Samantala, isa rin sa mga naging paborito ng mga Kapusong dumalo sa event ay ang performance ni That's My Bae host Alden Richards na sumayaw ng Twerk It Like Miley kasabay ni Chika Minute host Iya Villania.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga news anchors at artistang dumalo sa nasabing fans day. Saad ng Tonight With Arnold Clavio host, “Maraming salamat po at ‘di niyo kami binigo. 65 years na tayong magkasama, mga Kapuso. Ito ay para sa ekonomiya! Pak! Pak!” Dagdag pa ni Barbie Forteza, “Pagpapasalamat na rin po sa lahat ng [sumusuporta] over the years sa GMA Kapuso.” Aniya naman ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose, “Dito natin makikita ‘yung talagang suporta sa shows ng GMA.”
Kahanga-hanga namang ipinamalas ng Sunday All Stars singers na sina Jaya, Jonalyn Viray, Aicelle Santos, Frencheska Farr at Kris Lawrence ang kanilang galing sa pagkanta ng Aegis medley habang si Asia’s Songbird Regine Velasquez naman ay kumanta ng isang Eraserheads classic, Ang Huling El Bimbo.
Hindi naman papatalo ang The Rich Man’s Daughter stars na sina Rhian Ramos, Glaiza de Castro at Luis Alandy na kinanta ang “I Kissed a Girl” ni Katy Perry. Hindi rin nagpahuli ang love team nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid sa pagkanta ng theme song ng kanilang teleserye na Let the Love Begin. Abangan ang iba pang highlights ng GMA Fans Day 2015.
For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE Kakulay Entertainment Blog on Facebook and Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Narito na ang mga pinakapinagkakatiwalaang news personalities para simulan ang GMA Fans Day 2015! #ThankYouKapuso
Posted by GMA Network on Saturday, July 25, 2015
#ThankYouKapuso (Dressing room selfie)-Alden Richards
Posted by GMA Network on Saturday, July 25, 2015
Lubos naman ang pasasalamat ng mga news anchors at artistang dumalo sa nasabing fans day. Saad ng Tonight With Arnold Clavio host, “Maraming salamat po at ‘di niyo kami binigo. 65 years na tayong magkasama, mga Kapuso. Ito ay para sa ekonomiya! Pak! Pak!” Dagdag pa ni Barbie Forteza, “Pagpapasalamat na rin po sa lahat ng [sumusuporta] over the years sa GMA Kapuso.” Aniya naman ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose, “Dito natin makikita ‘yung talagang suporta sa shows ng GMA.”
Kahanga-hanga namang ipinamalas ng Sunday All Stars singers na sina Jaya, Jonalyn Viray, Aicelle Santos, Frencheska Farr at Kris Lawrence ang kanilang galing sa pagkanta ng Aegis medley habang si Asia’s Songbird Regine Velasquez naman ay kumanta ng isang Eraserheads classic, Ang Huling El Bimbo.
#JaThea in the house! Kilig at kulitan ang dala nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro! Present ba ang RaStro Rebels? #ThankYouKapuso
Posted by GMA Network on Sunday, July 26, 2015

No comments