Loading...

Breaking News

PROGRAM ACQUISITION DEPARTMENT NG ISANG ISTASYON NAKURYENTE!

Isang balita ang nakarating sa amin tungkol sa Program Acquisition Department ng isang Network, dahil nagpakalat umano sila ng maling balita tungkol sa mga nafranchise nilang Asianovelas.


Late 2012 to Early 2013 nang maglabas ng anunsyo ang Official FB Fanpage na hawak ng Program Acquisition Department ng Network X tungkol sa mga binili nilang mga programa sa ibang bansa, kasama na rito ang isang bigating Koreanovela na ineexpect na kukunin ng Network V, at dahil sa anunsyong iyon ay nanlumo ang fans ng Network V. Pero makalipas ang dalawang taon pagkaanunsyo ay nagulat ang lahat ng Koreanovela fans nang makita at mapanood ang Plug ng Koreanovelang sinasabing binili ng Network X sa kalaban nitong Network V.
Dahil doon ay naghuramentado ang Fans ng Network V at sumugod sa iba't ibang Asianovela page kasama na ang Official Asianovela Fanpage ng Network X at pinagpapaliwanag ang mga nag-anunsyo ng maling balita. Tahimik lamang ang mga taga Official Asianovela Fanpage ng Network X samantalang ang fans ng Network X naman ay itinatanggi ang alegasyon, pero kahit na may ebidensya ang fans ng Network V ng maling pag-aanunsyo ay patuloy naman sa pagdedeny ang fans ng Network X.
Ang tanging nasabi na lang ng isang fan ng Network V : "Wala namang bago sa istasyong iyan eh, pulpol ang sources kaya di nakapagtatakang sila ang hari ng mali-maling pagbabalita! Kahit anong tadyak sa ulo ang gawin sa mga iyan, sa mga nag-anunsyo ng kuryenteng balitang iyan at sa mga utu-utong fans ay hindi na talaga magagamot pa ang kanilang kashungahan!"

CLUE: Dalawang Asianovela nalang ang ineere ng network na ito!

No comments