Loading...

Breaking News

Lauren Young plays kontrabida to sister Megan Young in Marimar remake.

Sa kauna-unahang pagkakataon magsasama sa isang bigating proyekto ang magkapatid na sina Lauren at Megan Young sa remake ng Marimar.

Gaganap bilang Marimar ang nagbabalik kapuso na si Megan Young at handa na itong makipag sampalan sa nakakabatang kapatid.

Napaka challenging ito para sa kanila dahil makakaeksena na nila ang isat-isa at im sure makukumpara na kung sino ang mas magaling sa dalawa pagdating sa aktingan.


Samantala ang magiging role ni Lauren Young ay si Antonia isang character na tinanggal sa unang remake ng mexicanovela Marimar.

Hindi si Lauren Young ang gaganap na Angelica Santibañez taliwas sa kumalat na balita dahil supporting role lang ang gagampanan nya.

Mukhang maraming fans ang nagtaas ng kilay dahil matatandaan nung nasa Kapamilya Network sya ay lead role na ang ginagampanan nya.

Hindi tanggap ng ilang fans na supporting role na lang ang ibinibigay sa kanya ng GMA7 ano pat magaling ang aktres umarte dahil nahasa ito ng Star Magic.

Abangan ang muling pagbabalik ni Marimar sa philippine television sa Setyembre na sa GMA Telebabad.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments