Loading...

Breaking News

Jean Garcia nagbigay ng mensahe kay Angelica Panganiban para sa pagganap bilang "Madam Claudia"

Pumatok sa panlasa ng pinoy viewers ang hit primetime teleserye na Pangako Sa'Yo na pinagbibidahan nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Bukod sa gabi-gabing trending sa twitter worldwide, umalagwa din ito sa ratings dahil winner sa kanilang mga puso ang bagong Yna at Angelo.

Nagbigay naman ng mensahe kay Angelica Panganiban ang Kapuso Actress na si Jean Garcia na orihinal na gumanap bilang Madam Claudia sa serye Pangako Sa'Yo.


Ayon sa PEP hindi pa raw napapanood ng aktres na si Jean Garcia ang kahit isang episode ng remake na Pangako Sa'Yo dagdag pa may nakakarating sa kanyang mga feedback tungkol sa show lalo na sa gumanap ng kanyang role dati bilang Madam Claudia na si Angelica.

Nagbigay naman ng mensahe si Jean Garcia sa Kapamilya Star na si Angelica Panganiban.

"Be yourself. Magaling kang artista. Pagbutihan mo ‘yang ginagawa mo."



For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments