Loading...

Breaking News

Dating Kapuso Actor na si Polo Ravales kumpirmadong magiging Kapamilya na!

Tuloy-tuloy ang pag rigodon ng mga artista mula sa ibat-ibang network dahil IN parin ang lipatan at balik network sa ibat-ibang istasyon.

Kumpirmado na nga na malapit ng maging Kapamilya ang Kapuso Actor na si Polo Ravales dahil ayon sa kanya bago sya umalis ng Pinas patungo sa Italy nakapag meeting na sya sa big boss ng ABS-CBN na si Malou Santos.

Kung walang aberya sa July ay may sisimulan syang pelikula with Direk Paul Soriano at isang kaabang-abang na teleserye na tiyak magugustuhan ng viewers.


Narito ang ilang bahagi ng interview ni Polo Ravales mula sa PUSH.com.ph

During the presscon of his movie, inamin ni Polo sa PUSH na posibleng malapit na rin siyang maging isang Kapamilya actor.

“Dapat nga meron akong Pasion de Amor, pero hindi ako natuloy kasi nu’ng time na ‘yon, nu’ng ikina-cast ‘yon meron pa akongKambal Sirena sa GMA. Na-delay yon, na-move nang na-move yung project hanggang umalis na ako ng bansa,” simulang pahayag ni Polo.

Na-frustrate ba siya sa GMA kaya lilipat siya ng ABS-CBN?

“Ah, na-frustrate ba ako? No, hindi naman. I just wanna be in a different world. Ang GMA naman kasi, marami rin naman silang nagawa for me, eh. Pero siguro darating talaga yung time na kailang mag-try ng iba.

Actually, hindi ko kasi alam kung nung time na nasa GMA ako ay naging aktor ba ako? That I don’t know, eh. I mean, ganun ba yung naging tingin ng tao sa akin? Para sa akin, I think yes naman, sigurofor a time.

“Sa paglipat ko sa ABS-CBN gusto kong mag-explore as an actor, gusto kong ma-establish as anactor... hopefully,” pahayag pa niya.

Inamin din ni Polo na bago pa man siya umalis ng Pilipinas para sa isang buwang show sa Italy ay nakausap na niya ang isa sa big bosses ng ABS-CBN.

I had a meeting with Ma’m Malou Santos, so ang promise niya is sa July daw may gagawin si Paul Soriano na movie at isasama niya ako. Tapos isang soap with ABS. Kaya lang siyempre, ayoko pa ring mag-expect, eh. Pero yon ang sabi niya, sana matupad,” masaya niyang balita.

Natutuwa din daw siya sa nangyari sa career ni Paulo Avelino na nakasama pa niya noon sa Panday Kids ng GMA. “Bata pa kami noon. Actually, si Paulo yung pumalit kay JC (de Vera) kasi nga lumipat siya ng TV 5. So, I’m hoping, I’ve been praying for it at isa yon sa birthday wish ko na sana magkaroon din ako ng magandang career,” sabi pa ni Polo.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments