Loading...

Breaking News

Singer Comedian Janno Gibbs bids goodbye to GMA Network.

Totoo kaya ang balita na hindi na magtatagal ang musical variety program na Sunday All Stars dahil ilan sa mga orihinal na host nito ay nagbabu na.

After Ogie Alcasid, Jolina Magdangal, JayR, Kyla ang next na lilipat sa ibang network ay ang King of Soul na si Janno Gibs.

Kumpirmadong nagpaalam na nga sa GMA Network ang komedyanteng si Janno Gibs matapos ang 30 taon na pamamalagi nya sa nasabing network.

Last week Abril 19, ang huling appearance nya sa Sunday All Stars at hindi na sya mapapanood sa nasabing variety program.

Kahapon Abril 24 ng opisyal nang nagpaalam ang komedyanteng si Janno Gibs kina Jimmy Duavit, Atty.Filipe Gozon at iba pang GMA Executives.

Ang tanong hindi nga ba napigilan ng network na manatili sa kanilang poder ang singer comedian at hinayaan na lang ito lumipat sa ibang network.

Matatandaan na dati nya pa sinabi na lilipat sya noong nasa SAS pa si Ogie, ang sabi nya may sasabihin daw sya kay Ogie bago sya umalis, tinanong sya ni Ogie kung ano, ang sabi nya "SAS" daw. "Susunod Ako Sa'yo".

Matagal na pala nakaplano na lisanin ni Janno ang Kapuso Network para sundan ang kaibigang si Ogie Alcasid.

Balitang sa TV5 ito lilipat at hindi sa Kapamilya Network dahil may pagsasamahan silang proyekto ni Ogie Alcasid sa TV5 ang Small Brother.

How true na susunod na lilipat sa singko ay ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez?

Samantala narito ang naging pahayag ni Janno Gibbs sa kanyang instagram account sa pag-alis nya sa GMA Network.

“Guys!
Thank you sa lahat ng message nyo! Thank you for ur concern! I really appreciate it! Sana suportahan nyo parin ako kung ano man ang mangyari.
“As of now..i cant formally announce anything. But i promise to post pag may final na. God bless us all:)”



For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments