Loading...

Breaking News

Primetime Darama Series na "Once Upon a Kiss" magtatapos na sa May 1.

Sa susunod na linggo na magtatapos ang romantic drama series na Once Upon a Kiss na pinagbibidahan nila Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Nagsimula ang primetime series na Once Upon a Kiss noong Enero 5 at nakatakda itong magtapos ngayong May 1 sa makatuwid umabot ito ng tatlong buwan sa ere katumbas ng isang season.

Simula umere ang Once Upon a Kiss ay bigo nitong matalo ang katapat na programa na Forevermore na pinabibidahan naman nina Enrique Gil at Liza Soberano.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Kantar Media nakapagtala ang Once Upon a Kiss ng 17.6% laban sa 28.6% ng Forevermore.

Hawak parin ng ABS-CBN ang primetime dahil lahat ng programa nila ay wagi sa ratings samantala ang panghapon naman ay hawak ng GMA7 dahil kaabang-abang ang mga programa sa Afternoon Prime.

Iniintriga ngayon na FLOP diumano ang seryeng Once Upon a Kiss dahil hindi manlang daw ito nagrate at pinag-usapan sa social media kumpara sa katapat nito.

Abangan ang huling dalawang linggo nang Once Upon a Kiss gabi-gabipagkatapos ng Pari Koy at bago mag Second Chances sa GMA Telebabad.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments