Loading...

Breaking News

Pilot episode ng InstaDad waging-wagi sa ratings, Luv U at The Buzz tuluyan ng sinipa!

Pinag-usapan sa twitter world noong Abril 5 ang pagsisimula ng bagong teen oriented program na InstaDad na pinagbibidahan nila Ash Ortega, Gabrielle Garcia, Jazz Ocampo at Gabby Eigenmann.

Waging-wagi sa tv ratings ang programang InstaDad at nakapagtala ito ng 9.7% laban sa namaalam na The Buzz na nakakuha ng 7.2% ito ay base sa inilabas nang AGB Nielsen.

Sinipa din sa orihinal na timeslot ang Luv U barkada at mapapanood na ito sa bago nitong timeslot na 5:pm pagkatapos nang Kapamilya Mega Blockbuster.

Samantala tuloy-tuloy na ang pagrereyna ng InstaDad barkada tuwing linggo ng hapon dahil sa mainit na pagsuporta ng pinoy viewers.

Natakot nga ba ang ABS-CBN na itapat ang Luv U sa bagong teen oriented program na InstaDad o hudyat na nga ba ito na malapit na magpaalam ang Luv U.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments