Loading...

Breaking News

Alessandra de Rossi Reacts on Angelica Panganiban Winning Best Actress in "That Thing Called Tadhana"

May bago na namang indie film si Alessandra de Rossi na kasali sa Sinag Maynila Film Festival at ipalalabas sa March 18. Bida siya sa Bambanti na tungkol sa anak ng isang house helper which she plays na pinagbintangan ng kanyang employer na nagnakaw ng mamahaling relos.

Suki ng Cinemalaya at Cinema One Originals si Alessandra at may nakukuha raw siyang kakaibang fulfillment kapag gumagawa siya ng indie film.

“Ang fulfillment na nakukuha ko is yung katotohanan. Kasi sa totoong pelikula hindi naman makatotohanan yung mga nangyayari, yung acting, tsaka yung itsura na lang ng tao... Dyusko, kagigising lang nakamaskara na, tapos natutulog na’t lahat pero naka-make-up pa, may eye shadow pa,” katwiran niya sa PUSH.

Ayon pa sa aktres, lahat ng mga indie films na ginawa niya ay very memorable.

“Lahat 'yon para sa akin ay very memorable. Kumbaga, tumatak na 'yon sa puso ko. Hindi ko na makakalimutan yung mga ganung movie,” sabi pa niya.

Utang na loob din daw ni Alesssandra na dahil sa mga indie movies ay nakilala ang galing niya sa pag-arte at nagkaroon siya ng award.

“Sa Mauban, nanalo ako don ng Best Actress, tapos sa Sta. Nina, yung sa amin ni Coco (Martin), nanalo din ako do'n sa Asia, pero yung iba, waley. Hindi ka naman gagawa ng indie para humakot ng awards. Ang intention talaga ng mga nag-i-indie is yung ma-experience mo yung kalayaan sa gusto mong gawin. Hindi naman importante yung awards,” kuwento pa niya.

Ikinalungkot naman ng aktres na walang Cinemalaya Film Fest ngayong 2015. Pero natutuwa siya na marami ng mga mainstream actors ang nag-i-indie.

“Last year wala akong Cinemalaya. Sabi ko nga, porke ba marami ng pumayag lumabas sa Cinemalaya at may nakukuha na kayong iba, eh,  hindi n’yo na ako kinukuha?” pabiro niyang pahayag.

“Pero sa totoo lang, nakakatuwa talaga kasi the more na kilala yung artista, the more na lumalaki yung market. So okay yon,” dagdag pa niya.

Napanood ni Alessandra ang That Thing Called Tadhana  at natutuwa siyang kumita ito ng halos P100 milyon na.

“Maganda naman kasi talaga,” papuri paniya. “Napakaganda naman talaga ng pelikula,” hirit ulit niya.

Kinuha namin ang reaksyon ni Alessandra sa isyu na naka-tie ni Angelica si Nora Aunor for Best Actress sa Gawad Tanglaw.

“Maganda naman yung ginawa ni Angelica do’n ah... Basta believable ka, okay ‘yon. ‘Yon ang nakita ko sa kanya sa pelikula,” reaksyon ng aktres.

Samantala, okay na okay daw sa kanya ang idea na magkasama sila ni Angelica sa pelikula.

“Good vibes kaya kami non (Angelica). Very much willing akong makatrabaho siya kung may chance,” sambit pa niya.


Written by: Leo Bukas

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments