Loading...

Breaking News

Jolina Magdangal balik Kapamilya Network, bibida sa bagong Family Drama handog ng ABS-CBN.

Goodbye kapuso na  nga si Singer/Actress na si Jolina Magdangal sa GMA7 dahil kumpirmadong balik ABS-CBN na sya.

Matatandaan na naispatan sya sa bakuran ng ABS-CBN ilang buwan na ang nakalipas at sinundan din ito ng pag-atend nya ng Star Magic Ball na ipinagtaka ng ilang netizens.

Pinaplantsa na ang paglipat nya at anumang araw ngayon ay nakatakda itong pumirma sa ABS-CBN at tanong ng marami ano nga ba ang dahilan kung bakit naisip nitong bumalik sa dating pinagmulan.

Sa nakuha naming impormasyon bibida sya sa isang Daytime Family Drama na bagong handog ng ABS-CBN sa kanilang  mga viewers all over the world.

Ang teleserye pagbibidahan ni Jolina Magdangal ay ang papalit sa magtatapos na romantic drama series na Be Careful with my Heart.

Wala na bang balak habulin ng GMA itong si Jolina Magdangal para bigyan ng magandang offer ano pa't unting-unti ng naglalayasan ang mga artista nila.

Good decision nga ba ito sa career ni Jolina Magdangal na bumalik sa ABS-CBN anong sey nyo mga kakulay?

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments