Loading...

Breaking News

Da WHO: Hunk Actor, nagpa-booking sa maimpluwensyang Celebrity.

May nakakita sa hunky actor sa isang private beach resort kasama ang isang maimpluwensyang celebrity sa showbiz. 

Ayon sa aming source ay nakita raw niyang very sweet ang dalawa at walang nakakaistorbo sa kanila dahil inarkilahan daw ng naturang celebrity ang buong resort para lang sa kanila ng hunky actor na walang pinagkakaabalahan na trabaho ngayon.

Bago ka nga makarating sa naturang private beach resort ay susunduin ka raw ng golf cart mula sa parking area ng resort. Unang dumating daw sa resort ang celebrity at sumunod daw ang hunky actor pagkatapos ng isang oras.

“May mga kasama naman sila. Si celebrity, kasama ang dalawang kaibigan niya. Si hunky actor naman ay driver lang ang kasama.

“Imposible kasing hindi namin sila makilala dahil ilan lang silang nasa resort dahil inarkilahan nga ng celebrity ang resort para sa weekend na iyon.

“Kahit na sa magkaibang suites sila, alam mong may nagaganap sa kanilang dalawa,” chika pa ng aming source.

Noon pa nga raw nabalitang sikretong nakikipagtagpo ang hunky actor sa celebrity na ito. Binu-booking nga siya ng kaibigan ni celebrity sa hunky actor kapag nangangailangan ito ng malaking halaga dahil marami raw itong bayarin.

“Kailangan nga niya ang celebrity ngayon. Balita ko na hindi pa pala bayad ng buo ang nabili niyang bahay. Kaya balik-booking na naman pala siya.

“Hindi naman na ako magugulat kasi sanay naman si hunky actor sa ganyan. Bago pa ‘yan nag-artista, nabu-booking na raw ‘yan sa probinsya nila.

“Bumalik lang siya sa dating ginagawa niya. ‘Yun nga lang mas mataas na ang presyo niya at nakaka-demand siya ng rate dahil super-performance naman daw ang binibigay niya parati,” pagtatapos ng aming source.



Written by: Ruel Mendoza

No comments