Loading...

Breaking News

Empress Schuck at Rayver Cruz lilipat na sa Kapuso Network?!

Sa lumabas na artikulo sa Pilipino Star Ngayon na may dalawang kapamilya stars ang nagpaparamdam sa kapuso network senyales na ba ito na balak na nila layasan ang ABS-CBN.

Sa nasabing artikulo isang sikat na aktres ang umakyat sa  tanggapan ng mga executives ng Kapuso Network. Mukhang nagpaparamdam na dahil ayaw na raw niyang i-renew ang kontrata niya sa ABS-CBN 2. Narinig din naming isang aktor na magaling sumayaw ang inaayos na rin daw ang paglipat ng kapuso network.

Lumabas ang pangalan ni Empress Schuck na posibleng tinutukoy sa nasabing blind item, na aktres na ayaw na magrenew ng kontrata at posibleng maging kapuso.
Matatandaan na buwan ng Pebrero napabalita ang aktres sa mga lilipat ng istasyon pero tanging si Martin del Rosario lang ang kumpirmadong lumipat. 
Ngayong buwan din maraming Star Magic talents ang nagrenew ng kanilang mga kontrata pero si Empress ay wala sa listahan dahil matatandaan na buwan ng Marso pa nag-expired ang kanyang kontrata sa Star Magic.
Posible nga bang si Empress Shuck ang tinutukoy sa blind item na ito ano pat hindi na nasundan ang kanyang teleserye pinagbidahan na Mundo Man ay Magunaw na taong 2012 pa ipinalabas, pero present naman sya sa Star Magic Ball.

Sa artikulo na tinutukoy isa din ang aktor na si Rayver Cruz sa mga lumabas na pangalan sa mga lilipat , 2013 pa ang huli nyang teleserye sa dos na Bukas na lang kita Mamahalin.
Siya ba ang tinutukoy na aktor na magaling sumayaw na inaayos na ang paglipat sa GMA, matatandaan nag ningning ang career ng kanyang kapatid na si Rodjhun simula lumipat ito sa Kapuso Network at posible nga bang sumunod ito?

 For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments