Loading...

Breaking News

Dahil marami ang seksing eksena Cristine Reyes tinanggihan ang serye Pasion De Amor.?!!

Kamakailan lang ay nagpahayag ang kapamilya aktres na si Cristine Reyes na magbababu na sya sa mga seksing role mapa pelikula man o teleserye.

Sa kanyang pelikulang The Gifted kasama sina Anne Curtis at Sam Milby ay walang gaanong seksing eksena si Cristine sa nasabing pelikula dahil more on comedy ang tema nito.


Mukhang hindi lang si Cristine Reyes ang may gusto nito dahil totoo nga bang ang boyfriend nya ang nagbawal na gumawa sya ng mga sexy scenes sa mga darating nyang proyekto.

Bilang artista kung maganda ang kwento at may mga seksing eksena na kapupulutan ng aral pwede nila itong kunin dahil trabaho nila ito, aanhin mo naman ang isang proyekto kung wala naman kwenta diba.

Mukhang namimiligro mapasama si Cristine Reyes sa remake na Pasion de Amor na unang naibalita namin, dahil seryoso ang aktres sa kanyang binitiwan na pahayag na ayaw na nya gumawa ng mga daring or sexy roles.

Wala pa naman kumpirmasyon na tinanggihan nya ang proyektong ito pero tinanong namin si Cristine Reyes sa kanyang official twitter account na may 3.4 million na followers kung totoo ang tsikang tinanggihan nya ang nasabing proyekto pero hanggang ngayon ay wala pa syang sagot.

Kung totoong tinanggihan nya ang proyektong ito sino naman ang deserving na pumalit kay Cristine Reyes?

Ang Pasion de Amor ay nakatakdang ipalabas sa last quarter ng taon na pagbibidahan nila Ejay Falcon, JC de Vera at Angelica Panganiban.


For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments