Telebabad Queen Marian Rivera, kinalimutan na raw ang away nila ni Bela Padilla.
BIRTHDAY NI Marian Rivera sa August 12. Pero hindi
pa niya masabi kung paano niya ito isi-celebrate dahil pinaplano pa lang
daw. Isang birthday special episode din daw ang binubuo nila para sa
dance show niyang Marian na napapanood tuwing Sabado ng gabi sa Kapuso
Network.
“Siyempre espesyal ang araw na ‘yan, dapat special din ang mga guest ko,” sabay ngiti ulit niya.
Sa umereng episode ng Marian last Saturday, July 26, marami ang natuwa nang maging guest niya sina Bela Padilla at Sam Pinto. Nagkarooon kasi ng hidwaan sa pagitan nila before na talagang grabe ang mga naging issue at intriga sa kanila. Pero parang walang anumang nangyari. Masaya silang tatlo nina Bela at Sam sa pagsasama nilang ‘yon sa kanyang dance show. Ang kanyang mga detractors naman, sinasabing kaplastikan lang daw ito. Na hindi na gustong patulan pa ni Marian.
“Kung anuman ‘yong past e, kalimutan na natin. Mas masarap na maraming kakampi at nagmamahal sa ‘yo. Kesa… alam mo ‘yon? ‘Yong mga bagay na hindi maganda, kalimutan na ‘yon.”
Sino ang nag-invite para mag-guest sina Bela at Sam sa dance show niya?
“Ako mismo. Oo! Happy rin ako. Iyon ang importante. Happy ako na nag-guest sila sa show ko. Sabi ko nga… hindi lang sila pero lahat ng mga Kapuso star natin ay wini-welcome naman talaga sila sa show.”
Para sa birthday episode niya sa Marian, guest din daw siyempre ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes.
“Siyempre tulad ng sabi ko, espesyal ang araw na iyon sa akin kaya espesyal ang mga guest ko. At hindi mawawala si Dong do’n.”
Sasayaw si Dingdong?
“Sa ayaw at sa gusto niya!” natawang sabi ng Kapuso Primetime Queen. “Ayaw niyang sumayaw. Pero… pipilitin ko siyang sumayaw.”
Magbi-birthday din si Dingdong sa Sabado, August 2. Ano ang balak nila sa magkasunod na pagdiriwang nila ng kanilang kaarawan?
“Alam mo kapag iniisip ko kung ilang araw pa ang birthday ko, parang ang tagal pa. So, mas maganda siguro ‘yong biglaan!” sabay ngiti na naman niya ulit. “Isip ako. Isip ako. Hahaha! May naiisip na ako. Pero hindi ko pa nabubuo sa utak ko.”
Birthday gift niya para kay Dingdong?
“Magdu-donate ako sa mga nasalanta ng bagyo. Donation para sa school chairs na idu-donate niya. Ako rin, itutuloy ko ‘yong Adpt A Bangka project. Nasa second wave na ako at 500 families ang target naming matulungan.”
Wala na siyang material na planong iregalo kay Dingdong sa kaarawan nito?
“Alam mo, nagkataon lang na may mga material na may mga gusto. Pero ang importante ay ‘yong nandiyan kami para sa isa’t isa.Iyon ang pinakaimportante. Iyon ang pinakamaganda talagang regalo namin sa bawat isa.”
Written by: Ruben Marasigan/Pinoy Parazzi

No comments