Loading...

Breaking News

Ex-"Pinoy Big Brother" housemates reunited in "ASAP 19" Easter Sunday.

Tiyak na happy and ending ng Holy Week sa “ASAP 19 ” sa espesyal na episode nito para sa Easter Sunday na hitik ng mga exciting na sorpresa at pasabog ngayong Linggo (Abril 20).

Mas pasisiyahin pa ang viewers sa selebrasyon ng pinakahihintay na pagbabalik ng pinakaunang reality show na “Pinoy Big Brother” kasama ang Ultimate Multi Media Star Toni Gonzaga together with PBB Big Winners Kim Chiu, Keanna Reeves Nene Tamayo, James Reid, Slater Young, and Myrtle Sarrosa plus PBB ex-housemates John Prats, Robi Domingo, Matt Evans, Aldred Gatchalian ,Mickey Perz, Saicy Aguila, Dionne Monsanto, Gab Dela Merced, Johan Santos, Devon Seron, Joe Vargas, Deniesse Joaquin, Carlo Romero, Wendy Tabullasa, Yves Flores, Kit Thompson, Karen Reyes, and Joj and Jai Agpangan sa isang enggrandeng reunion, habang ipagdiriwang naman ang finale ng “The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles” kasama ang hosts na sina Iza Calzado, Matteo Guidicelli, Robi Domingo, at coaches na sina Jim at Toni Saret.

Tuluy-tuloy lang ang kasiyahan sa “ASAP” sa launch ng soundtrack album ng Kapamilya hit series na “Ikaw Lamang.

“Humanda rin para sa mainit na performance ng iconic OPM band na “Rivermaya” kasama ang rock legend at former front man na si Bamboo at former members na sina Mark Escueta, Mike Elgar, and Norby David.
Humanda ring kiligin sa isang production number ng teen king na si Daniel Padilla para sa concert niyang DOS, makisayaw sa King Of the Gil kasama sina Enrique Gil at showbiz royalties na sina Mavie at Cassy Legaspi, at makisali sa ‘Meteor Fever’ kasama ang ‘Kanto Boys Jr.’ Na sina Zaijian Jaranilla, Clarence Delgado, Izzy Canillo at Bugoy Cariño, kasama rin si Xyriel Manabat.

Abangan din ang sizzling production number mula kay Cristine Reyes kasama ang heartthrob models na sina Hideo Muraoka, Sam Adjani, Vince Ferraren, at Fabio Ide, at makalaglag-pangang dance moves mula kina Maja Salvador, Jessy Mendiola, Kim Chiu, Iya Villania, Shaina Magdayao, Rayver Cruz, Sam Concepcion, John Prats, at Gab Valenciano.

Doblehin ang saya sa back-to-back song numbers mula kina Mark Tupaz ng Shamrock attention 80′s OPM legend na si Raymond Lauchengco.

Samantala, humanda para sa isang de-kalibreng concert spectacle mula kina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Vina Morales, Arnel Pineda, Toni Gonzaga, Nikki Gil, Angeline Quinto, Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy, Richard Poon, at Juris Fernandez.

Kaabang-abang din ang Easter treat ng “ASAP” para sa fans sa pamamagitan ng makapangyarihang vocals mula kina Sarah Geronimo, Erik Santos, Lani Misalucha, Jed Madela, at Gary Valenciano.

Salubungin ang Easter na puno ng saya sa consistent top-rating at palagiang trending sa puso ng buong sambayanan, “ASAP 19,” ngayong Linggo, 12:15 ng tanghali sa ABS-CBN.

Para sa TV viewers na nais bumili ng ASAP official merchandise, bumisita lamang sa ABS-CBN Store sa ground floor ng ELJ building sa Quezon City, o bumisita sa ABSCBNstore.shopinas.com at MyRegalo.com.
Makihang-out nang live kasama ang stars ng ASAP Chill-Out sa pamamagitan ng pag-log on sa ASAP.abs-cbn.com.

Makisaya rin sa official social networking accounts ng “ASAP 19″ sa Facebook.com/asapofficial at Twitter.com/ASAPOFFICIAL, at makibalita sa latest happenings sa programa sa pamamagitan ng pag-tweet ng hashtag na #EGGCITINGASAP.

No comments