Loading...

Breaking News

Pagkatapos ng Galema Anak ni Zuma, Sheryl Cruz magbabalik sa Kapuso Network.

Naglast taping na ang cast ng Galema Anak ni Zuma na pinagbibidahan nila Meg Imperial, Matteo Guidicelli at Andi Eigenmann na napapanuod sa Kapamilya Gold.

Kung hindi magbabago ang desisyon ni Sheryl Cruz at walang gagawin ang ABS-CBN para bigyan sya ng bagong project baka tanggapin nito ang offer ng Kapuso Network.

Naging vocal kasi si Sheryl Cruz sa presscon nang Galema Anak ni Zuma ng sabihin nito na baka after ng Galema ay hindi muna sya gagawa ng serye sa dos dahil magbabalik ito sa GMA7 at may nakalaan na serye syang gagawin.

Kapansin pansin na lahat ng mga nagtatapos na programa sa ABS-CBN ang GMA7 naman ay panay offer sa ibang artista.

Matatandaan na pumirma kamakailan lang si Manilyn Reynes ng exclusive contract sa nasabing istasyon after ng hit na serye na Got to Believe, na dapat ay may kasunod pa itong proyektong gagawin sa kapamilya station.

Freelancer si Sheryl Cruz kaya okey lang sa kanya kahit saan network sya magtrabaho ang mahalaga ay kumikita sya.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

1 comment:

  1. akala ko ba sa tv5 trenderas, kahit saan suportahan ka pa rin naming mga Shenatics-Sherylians.

    ReplyDelete