Loading...

Breaking News

John Prats, Robi Domingo, Bianca Gonzales at Toni Gonzaga host sa inaabangan na reality program na Pinoy Big Brother.

Sa pagbabalik at muling pagbubukas ng bahay ni kuya ay palaisipan parin kung sinu-sino ang magiging host nito dahil aarangkada na ngayon summer ang pagsisimula ng sikat na bahay ni kuya.

Matatandaan na lumabas ang pangalan ni Mariel Rodriguez nuong isang taon para maging host nito pero wala sya sa listahan kaya out sya sa pagiging host nito.

Sina John Prats, Robi Domingo, Bianca Gonzales at Toni Gonzaga ang magiging host ng Pinoy Big Brother Season 5 at Pinoy Big Brother Teen Edition.

Hirap kami makakuha ng detalye kung ano ang uunahin ng kapamilya network na ipalabas sa telebisyon ang PBB Teen Edition nga ba o ang PBB Season 5.

Pero ang tangi namin maikukumpirma para sa mga kakulay na sumusuporta sa programang ito ay ngayon summer na magbubukas ang sikat na bahay ni kuya.

Excited na ba kayo mga kakulay sa muling pagbubukas ng bahay ni kuya?

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments