Loading...

Breaking News

Da WHO: Tatlong palabas ng network naka-hold, mga bidang aktres nganga.!

On hold ang three shows ng isang network and as of yesterday wala pang balita kung kailan ang airing. Excited pa naman ang isang cast member ng isa sa mga show sa malapit na airing nila dahil mapapanood na raw siya. First show ito ng aktres, ’tapos hindi pa muna matutuloy ang airing.

Sobrang masaya rin sana ang isa pang talent na aktres na bida sa isang show na hindi muna eere dahil chance na raw niyang ipakitang kaya niya ang different characters na gagampanan sa pagbibidahang serye.

Ang sabi, pinag-aaralan pa ng husto ng sales department ng network kung mabebenta sa advertisers ang show bago payagang umere. Pansamantala, tigil muna ang taping ng shows ng network.

Isa lang sa mga bagong show ng network ang tuluy-tuloy ang taping at hindi kasali sa mga na-on hold. Siguro dahil naniniwala at nagtitiwala ang sales department na magugustuhan ito ng advertisers at viewers na rin.

Ang contract talents ng network na kasama sa three shows na tigil muna ang taping at wala pang airing date ang apektado nito. Paano sila kung wala silang trabaho at walang exposure?

Malaking problema nga ito at ang masaklap pa, dahil exclusive ang kontrata ng mga ito sa network, hindi sila puwedeng lumabas sa ibang network.

c/o PEX

No comments