Loading...

Breaking News

Paglipat ni Martin del Rosario sa Kapuso Network hinarang ng ABS-CBN?!!

Kahapon nga ay naglabas kami ng artikulo kaugnay sa paglipat ni Martin del Rosario sa GMA7 mababasa rito Pagkatapos ng ilang taon na pananatili sa ABS-CBN, Martin del Rosario kumpirmadong lilipat na sa Kapuso Network.!! at kinumpirma pa namin ito na lilipat sya base yan sa kanyang naunang nai-tweet sa kanyang twitter account.

Pero tila hindi naman papayag ang ABS-CBN na mawala lang bigla ang kanilang alaga na ilang taon din nanatili sa kanilang poder.

Mukhang may ginawang hakbang ang kapamilya network para manatili sa ABS-CBN ang batang aktor na si Martin del Rosario ano pat napaka galing nito umarte nanalo lang naman sya bilang Breakthrough by an Actor sa 8th Golden Screen TV Awards (2010) at New Movie Actor of the Year sa 27th PMPC Star Awards for Movies (2011).


Sa kanyang latest tweet sa kanyang official twitter account ay makahulugan ang kanyang nai-tweet

Kaya naman ang kanyang mga fans ay nabigyan nang sigla dahil sa kanyang misteryosong tweet dahil ayon sa kanila mukhang may offer sa kanya ang ABS-CBN dahilan na dapat nyang pag-isipan kung mananatili sya bilang kapamilya o tuluyan na syang tumalon sa kabilang bakod.

Sa huli ang kanyang manager at si Martin del Rosario ang makakapagpasya kung anong istasyon ang kanilang pipiliin, alam nyo naman nasa huli ang pagsisisi kaya kinakailangan makapag-isip sya ng maayos para sa tamang desisyon na tatahakin nya.

Hindi naman siguro tinutukoy nito ang kanyang flight dahil nasa Ligao, Albay sya nuong sabado ng gabi at kinabukasan merong biyahe umaga papuntang manila at sa hapon ay wala naman biyahe.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments