Loading...

Breaking News

Renz Valerio, from child star to boy-next-door image!

Simula sa pagiging child star ay ganap na boy-next-door na itong si Renz Valerio. Nagsimula s'yang mag-artista noong 3 years old pa lamang siya at madalas na din s'yang nakikita sa mga TV commercials.

 Nakasama na rin s'ya sa ilang Kapuso program katulad ng Bantatay, Futbolilits, My Chubby World Together Forever, Cielo de Angelina at ang napapanood pa sa GMA Afternoon Prime na Mga Basang Sisiw.

Malaki ang naging improvement ng batang aktor na ito. Kakaibang Renz Valerio ang ating napapanood sa nasabing palabas. Tila may iba s'yang paraan kung paano niya i-portray ang kanyang role. Ginagampanan niya ang role na Justine Santos, na sa murang edad ay minaltrato at pinalayas sa kanilang sariling tahanan ng kanyang Tita Vicky(played by Maxene Magalona) kasama ang kanyang mga kapatid dahil sa paghihinalang patay na ang kanilang mga magulang.

Ito na nga ang simula ng pag-usbong pa ng kanyang career at deserving naman siya sa kanyang tinatamasang popularidad ngayon. Under si Renz Valerio ng GMA Artist Center at ni Mr. German Moreno.
Mapapanood din siya sa Jollitown Kids Show at Walang Tulugan with the Master Showman sa GMA.


For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter andADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments