Loading...

Breaking News

What's next for Coco Martin after "Ang Probinsyano"?

Nagtataka ang program manager ng seryeng "FPJ’s Ang Probinsyano" na si Ms. Dagang Vilbar kung saan nagmula ang balitang "Batang Quiapo" ang ipapalit sa serye ni Coco Martin sa 2017.

Ang "Batang Quiapo" ay pelikula nina Fernando Poe, Jr. at Maricel Soriano na ipinalabas noong 1986 mula sa direksyon ni Pablo Santiago at malaking hit ito sa takilya.

Sabi ni Ms. Dagang nang makita naming kumakain sa Grub Restaurant, “baka naman kasi nakita nilang iyon ang ipinakitang teaser sa 'Ang Probinsyano Pasasalamat Concert' (Oktubre 8) kaya akala nila ‘yun na.


Hindi totoo ‘yun kasi maiksi lang ‘yung 'Batang Quiapo,' hindi puwedeng gawing series ‘yun, dahil kung ganun din lang, eh ano'ng pagkakaiba sa 'Ang Probinsyano'? Halos same lang naman ang concept ng 'Batang Quiapo' at ng 'Ang Probinsyano'?

“Hindi pa nga kami nakakabuo ng ipapalit kasi hindi pa rin namin alam kung kailan matatapos ang 'Probinsyano.'”

Naulat ding sina Julia Montes at Liza Soberano ang makakapareha ni Coco sa "Batang Quiapo."

Hindi pinansin ni Ms. Dagang ang tungkol sa posibleng leading ladies ng aktor dahil mas binigyan niya ng diin ang balitang "Batang Quiapo" ang ipapalit sa "FPJ’s Ang Probinsyano" na malayo raw sa katotohanan.

Dagdag pa ni Ms. Dagang, “Nakakatawa ‘yang balitang ‘yan, mas marunong pa sila sa amin? Sila-sila lang ang nag-meeting, hindi kami isinama?”

Written by: Reggee Bonoan

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments