Loading...

Breaking News

Goodbye Kapuso, Kris Bernal nakipag-meeting na raw sa ABS-CBN at Viva Artists Agency.

KUNG si Kris Aquino ay balitang magkakaroon ng show sa GMA 7, si Kris Bernal naman ang napapabalitang gustong mag-ober da bakod sa ABS-CBN 2.

Hindi na kami nagulat nang pumutok sa dyaryo ang planong pakikipag-meeting umano ni Bernal sa ABS-CBN 2 at sa Viva Artists Agency.

August pa lang ay blind item na namin ‘yan. Noon pa ay natunugan na namin ang plano niya. Sakto kasi na narinig ng aming source ang usapan sa cell ni Kris at ang taong tutulong sa kanya para mag-ober da bakod.



Pinag-uusapan ngayon na nakita siyang nakipag-meeting sa ABS-CBN at sa VAA.

Kung totoo na lilipat siya, aba’y mukhang mauunahan pa niya ang dating ka-loveteam na si Aljur Abrenica na nagrebelde noon at gustong umalis sa network, huh!

Nabanggit na namin ito sa may kaugnayan sa GMA Artists noong August pero ang sagot ay may kontrata pa sa kanila si Kris. At hanggang ngayon, hindi pa rin expired ang kontrata niya sa GMAAC pero ang network contract niya ay tapos na raw.

May mga katanungan ngayon kung hindi na ba happy si Kris sa Kapuso? Nagpapataas ba siya ng presyo? Magaganda naman ‘yung mga lead role na napupunta sa kanya, huh!

Bagamat marunong siyang umarte, may puwang ba siya sa Kapamilya Network na nagsisiksikan na ang mga magagaling na artista?

Written by: Roldan Castro

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

3 comments:

  1. Eto lang kasi ang tanong kung karamihan sa artists ng GMA ay sunod-sunod ang mga projects bakit si kris hindi na nasundan yung Little Nanay nya ..ang tagal na ni Kris na floating.. and yet mabuti merong MEatKris were Kris is busy of...

    ReplyDelete
  2. sa totoo lang talaga ang lakas ng favoritism ng GMA ayaw lang tanggapin.. ilang projects na ba ang hindi natuloy for Kris ..

    ReplyDelete
  3. sa totoo lang kasi maraming outlet ang ABS-CBN na wala sa GMA . they ahve their cable channels in fact they have 4 channels, aside from the regular Channle na 2 .. If there is no TV Project they can give Commercial or if not Movie.. or even hosting ..ilan na ba nakikita sa Cable Channels ..

    ReplyDelete