Loading...

Breaking News

Regine Alcasid's Poor Señorita Finale, the Poorest Finale of them all.

Hindi magawang makaabante ng GMA's Teledrama "Poor Señorita" sa tv ratings dahil simula nag-umpisa ito ay hindi manlang umangat ang ratings nito.

Kahit sa finale episode nito noong Hulyo 15 hindi manlang pinatikim ng pagkapanalo ang Telebabad show na Poor Señorita dahil mas tinutukan ng mga pinoy ang FPJ Ang Probinsyano.

Ayon sa datos mula sa Kantar Media nakapagtala ng 16.1% na ratings ang Poor Señorita laban sa 44.1% ng FPJ: Ang Probinsyano noong Hulyo 15.

Bago pa umere ang Poor Señorita  may nagsabi ng hindi ito aariba sa ratings dahil hindi bagay kay Regine Velasquez ang seryeng ito.

May ilang netizens din ang nagsabi noon na isang chipipay serye ang inilatag ng Kapuso Network kay Ms.Regs dahil sey nila hindi bagay kay Asia Songbird ang ganitong klaseng temang serye.

May ilang netizens din ang nakapuna na tila hindi diumano pinag-isipan ng GMA ang proyekto ibinigay sa kanya basta may masabi lang na may teleserye itong gagawin.

Umabot sa mahigit tatlong buwan sa ere ang drama series na Poor Señorita, katumbas ito ng isang season dahil nagsimula ito noong Marso 28 at nagtapos naman Hulyo 15.

Ayon naman sa fanpage na Kapamilya Online World 28% ang lamang ng FPJ Ang Probinsyano laban sa Poor Senorita.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments