Loading...

Breaking News

FPJ’s Ang Probinsyano remains the most watched program in the country beating rival show “Encantadia”

Hindi talaga matibag-tibag ang action primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Primetime King Coco Martin.

Mismong AGB Nielsen at Kantar Media na ang nagsabi na patuloy na nangunguna ang Pambansang teleserye Ang Probinsyano sa buong Pilipinas.


Nakapagtala ng 21% ang pilot episode ng Encantadia laban sa 42.4% ng serye Ang Probinsyano ito ay ayon sa datos mula sa Kantar Media. Samantala dikit ang laban sa AGB Nielsen nakapagtala ng 26.1% ang Encantadia laban sa 24.2% ng Ang Probinsyano.

Sa pangalawang gabi ng tapatan bumulusok pababa ang ratings ng Encantadia nakapagtala ito ng 23.5% na ratings laban sa 26.3% ng Ang Probinsyano ayon sa datos ng AGB Nielsen. Wagi din noong Hulyo 19 ang serye Ang Probinsyano pumalo ito ng 44.2% na ratings laban sa 19.6% ng Encantadia.

Patuloy ang pagbaba ng ratings ng Encantadia mula sa datos ng AGB Nielsen nakapagtala ito ng 23.3% na ratings noong Hulyo 20 laban sa 26.2% ng Ang Probinsyano. Habang patuloy na tumataas ang ratings ng Ang Probinsyano sa Kantar Media umabot ito ng 45.7% laban sa 20.1% ng Encantadia.

Tila hindi pa napapanahon ang pagpapalabas ng Encantadia dahil nanatiling matatag ang Primetime Bida kumpara sa GMA Telebabad.

Sampal ito sa cast and crew pati na rin sa network dahil ang pinaggastusan at pinaghandaan nila ay luhaan sa tv ratings mapa AGB man o Kantar Media.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments