Loading...

Breaking News

Da WHO: Mataray na TV Host galit na galit sa kaibigang TV Personality.

MUKHANG may tampo ang kilalang TV host na mataray sa kapwa niya TV host dahil hindi raw sinuportahan ang kaanak nito noong nakaraang eleksyon.

Kuwento ng aming realiable source, nagbigay daw ng instruction ang mataray na TV host na hindi puwedeng i-feature sa programa niya ang kapwa TV host na may malakas na hatak sa publiko dahil masama nga ang loob niya rito.

Akala kasi ng mataray na TV host ay magkaibigan sila ng kapwa niya TV host kaya nanalig siyang susuportahan nito ang kaanak na tumakbo sa mataas na posisyon sa eleksyon.

Ibang kandidato ang sinuportahan ng TV host na very vocal pang nagsasabi kung sino ang gusto niyang suportahan.

Nakipag-meeting kasi sina mataray na TV host at kaanak nito sa kapwa TV host at okay naman daw ang naging usapan nila, pero nu’ng tanungin namin ang huli ay wala naman daw alok sa kanya na ikampanya niya ang kaanak ng una. Sa madaling salita, wala palang malinaw na usapan sa pagitan ng dalawang TV personality, “Oo, kaya walang dapat ipagtampo si _____ (mataray na TV host), ‘no?” sabi ng aming source.

Nalaman ito ng TV host at natawa na lang sa mga emote ng mataray na TV personality kaya hindi niya sineryoso ang plano ng mataray na TV host na huwag siyang i-feature sa kanyang programa.

Ang sa amin lang, tapos na ang eleksyon, dito rin ba magtatapos ang pagkakaibigan ng dalawang TV host? Ay, magkaibigan nga ba sila, hindi ko naman daw natanong sa aming source. He-hehehehe!

Written by: Reggee Bonoan

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments