Loading...

Breaking News

Kapamilya Teleserye 'We Will Survive' magtatapos na sa July 15!

Tiyak na marami ang malulungkot lalo na ang mga nag-aabang sa kapamilya teleserye We Will Survive na pinagbibidahan nila Carlo Aquino, Jeric Raval, Melai Canteviros at si Comedy Queen Pokwang dahil malapit na matapos ang serye.

Huling tatlong linggo na lang ng teleserye We Will Survive dahil nakatakda itong magtapos sa Hulyo 15 kaya naman mas lalong umiinit ang mga eksena sa naturang serye.


Umabot sa mahigit tatlong buwan sa ere katumbas ng isang season, nagsimula ang serye We Will Survive noong Pebrero 29 at magtatapos ito sa Hulyo 15.

Ito ang pumalit sa Pasion de Amor na kinalaunan ay inilipat ng timeslot, kapansin-pansin na hindi gaano ito pinag-uusapan sa social media at luhaan din sa ratings.

Sa datos mula sa Kantar Media nakapagtala ng 13.6% ang We Will Survive noong Hunyo 23 laban sa 16.3% na tv ratings ng show ni Willie Revillame na Wowowin.

Kaya nga ba nagpasya ang Kapamilya Network na tapusin na ang nasabing serye ay dahil sa mababa nitong nakukuhang ratings.

Kapansin-pansin din na ilang kapamilya shows ang minalas at maaga na namahinga sa ere at hindi naka-survive, totoo nga bang may dalang kamalasan ang Pebrero 29? Minalas din ang teleserye ng KimXi na The Story of Us na umere din noong Pebrero 29 at biglang tsinugi sa ere.

Abangan ang nalalapit na pagtatapos ng teleserye inyong minahal We Will Survie pagkatapos ng Tubig at Langis at bago mag Super D sa Kapamilya Gold.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

2 comments:

  1. Bigyan na kasi ng break yung ibang magagaling na Star Magic Artist like Sue R, Miles O, Jane O., Michelle Vito puro nalang melai, pokwang ayan tuloy!!!!

    ReplyDelete
  2. Okay na rin na umabot yan ng 4-1/2 months para sa isang afternoon soap. daming nakapila na teleserye sa Dos na nagaabang ng mababakanteng slot. Di gaya sa Syete na nageextend ng soap dahil hindi pa handa isalang ang kapalit na soap tulad ng Parekoy nuon at ngayon ang Poor Senorita.

    ReplyDelete