Loading...

Breaking News

Kapamilya Actress Nadine Lustre is leading the online poll for the FHM 100 Sexiest Women in the World 2016.

Mula sa no.9 spot tumalon sa pagiging no.1 ang Kapamilya Actress na si Nadine Lustre sa pinakabagong resulta na inilabas ng FHM para sa 100 Sexiest Women in the World 2016.

Todo suporta ngayong ang Jadine fans sa pagboto kay Nadine Lustre sa nagaganap ngayong online voting, dahil puspusan ang pagboto nila at wala ng tulugan ito.

Out na sa Top 10 sina Marian Rivera at Pia Wurtzbach at IN naman sina Glaiza de Castro at Kim Domingo sa pinakalatest na resulta.


Nasa ikalawang pwesto parin si RomCom Queen Jennylyn Mercado habang laglag ang dating no.1 na nasa no.3 spot ngayong na si Jessy Mendiola.

Umakyat ng isang puntos at nasa no.4 spot si Angel Locsin at no.5 spot naman si Rhian Ramos habang laglag si Arci Munoz na nasa ika-anim na pwesto.

Nasa ika-pitong pwesto naman si Jinri Park sinusundan ni Glaiza de Castro habang nasa ika-siyam at ika-sampu sina Ellen Adarna at Kim Domingo.

May ilan din ang ikinagulat ang resulta na siyang nagpataas ng kanilang mga kilay dahil ngayong nangunguna na si Nadine Lustre. Maraming nagtatanong ngayon kung sakaling manalo si Nadine rarampa naman kaya ito sa inaabangan na PH's 100 Sexiest Women? Yan ang dapat pakaabangan.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments